Chapter 53

10 4 0
                                    

MINSAN sa buhay ay kailangan mo talaga ng pasensya at pagtitiis. Pagtitiis sa mga bagay na hindi mo naman kayang kontrolin. Katulad ng sitwasyon ko ngayon, kanina ko pa tinitiis itong suka kong gusto nang lumabas. Wala akong ibang ginagawa kung hindi ang magdasal.

"Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo..." bulong ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ba akong nakapikit dahil kanina ko pang pinipilit na matulog para hindi ko maramdaman ang sikmura ko.

"Ano ba naman kasi, bakit kasi dito ako pinasakay huhu.." wala sa sariling sambit ko. Nang imulat ko ang mata ko ay muntik pa akong mapamura nang makita kong titig na titig saakin si Jaziel.

"You okay?" mahinang tanong niya saakin. Agaran naman akong umiling at talaga namang hindi ko na kaya. Sobrang sama na ng pakiramdam ko.

"Nasusuka ako." diretsahang sabi ko saka tinakpan ang bibig ko. Napansin kong biglang nataranta itong si Jaziel at kinuha ang bag niya.

Naramdaman ko nanamang parang hinahalukay ang sikmura ko't nagsisilabasan na ang mga laway ko.

"Hindi ko na kaya." sambit ko pa. Napahawak na lamang ako nang mahigpit sa braso ni Jaziel upang kumuha ng lakas, samantalang siya ay ay kung anong hinahanap sa bag niya.

"Here, you might need this." si Jaziel saka inabot saakin ang isang candy. Lemon lime na halls, 'yong color green.

Hindi ko alam kung male-lessen nito ang pagsusuka ko ngunit tinanggap ko parin ito.

"Bakit hindi mabuksan, bubulwak na suka ko!" inis na sambit ko nang hindi ko mabuksan ang candyng inabot niya saakin. Kinuha niya naman ito at walang kahirap hirap na binuksan, saka isinubo saakin.

Pumikit ako upang mabawasan ang pagkahilo, sinisipsip ko na rin noon ang candy at nagbabakasakaling mawala ang nararamdaman ko. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang tumigil ang kung ano mang humahalukay sa tiyan ko.

"Thank you, Lord." mahinang sabi ko saka nagmulat. Doon ko lang napansin na nakahawak pa pala ako sa braso ni Jaziel kaya agad ko rin itong tinanggal.

"Sorry." saad ko at nag-iwas ng tingin.

'Bakit ba humawak ka pa, Chantria? Nako! Mabuti na lang at wala si Ayannah!'

"Nahihilo ka ba? We can open the window if you want." ani Jaziel, napailing naman ako dahil nakaramdam ako ng kaunting hiya.

"Nako hindi na, nakakahiya naman sa iba pa nating kasama. Kaya ko naman nang pigilin ang suka ko, salamat sa candy." I said without looking at him.

Napasulyap ako sa bintanang katabi ni Nash.

'Sa palagay ko naman ay mas masusuka ako kapag naamoy ko ang amoy ng usok ng mga sasakyan.'

"You sure?" muling tanong niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit pare-pareho kaming nagulat nang biglang pumreno ang sinasakyan naming van!

"Fuck!"

"Omygosh!! Ano 'yon?"

"What the hell was that?!"

Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ang pagbagsak ng isang malaking bato sa harapan ng van! Dahilan para mabasag ang salamin nito at magsitalsikan!

"Aray!" reklamo ko nang may maramdaman akong biglang dumaplis sa kanang pisngi ko! Nang hawakan ko ito ay naramdaman ko ang pagtulo ng kung anong likido mula doon!

Nagsimulang maghiyawan ang mga kasamahan namin dahil sa gulat! Pati si Nash na kaninang tulog ay nagising dahil sa nangyari!

"What happened?!" gulat na tanong ni Nash.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now