Chapter 37

60 9 4
                                    

NAPANGUSO na lamang ako ng makita ang muka niyang naiinis. Teka lang, bakit ko ba pinoproblema ang isang 'to?

Dapat ang ginagawa ko lang dito ay lumamon. Napabuntong hininga naman ako saka kinain ang pagkaing iniabot niya saakin. Paano niya kaya nalaman na order ko 'to?

"Salamat sa pagkain." sambit ko saka nilantakan iyon lahat. Pinanood niya lamang ako doon habang nakatayo siya.

May kaonting ilang ako na nararamdaman sa ginagawa niya ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lang iyon dahil sa gutom ko.

Mahigit limang minuto siguro ang itinagal ko bago ko naubos ang lahat ng iyon. Pagkatapos ay tumayo ako habang hawak ang tray na pinaglagyan ng pagkain.

"Saan ko pwedeng dalhin 'to?" nakangiting tanong ko sa lalaking kanina pa nakatayo doon sa harapan ko.

"Just leave it there. May mga waiter na kukuha niyan." walang ganang sabi nito. Nagkibit balikat na lang ako saka inilagay ang tray sa lamesa.

Nginitian ko lamang siya ulit saka walang pasabing umalis at lumabas ng canteen.

"Grabe! Nabusog ako dun! Ang sarap pala ng lasagna? Hehehehehehe dapat pala ay lagi akong kumain noon!" wala sa sariling sambit ko saka masayang naglakad pabalik ng Dean's Office.

"Tiarra! Buti nakabalik ka na, we need to go back to the mansion." salubong saakin ni ate nang makapasok ako sa loob.

Muka siyang nagmamadali dahil natataranta siya.

"Ate, bakit mukang aligaga ka?" inosenteng tanong ko sa kaniya.

"My visitors, dumating na sila sa mansion. Kaya let's go na at mamaya ka na magtanong." aniya pa.

Nagpaalam muna siya sa Dean saka kami nagpunta sa parking lot at sumakay ng kotse.

Nang makarating kami sa mansion ay si Hestia agad ang hinanap ng aking paningin. Mabuti na lamang at nakasalubong ko si yaya Gina sa sala.

"Hello po! Nasaan po si Hestia?" tanong ko sa kaniya. Kaagad din naman itong ngumiti nang makita ako.

"Ah, nakauwi na pala kayo. Naroon sa kaibigan mo si baby." aniya pa.

Kumunot naman ang noo ko at bahagyang nagtaka sa sinabi niya.

Kaibigan ko? Wala naman akong kaibigan bukod kay Chin at Rhizza. Saka wala sila rito, nandoon sila sa Quezon Province.

Biglang nanlaki ang mata ko at napatakip sa sariling bibig.

"Bakit niyo dinala si Hestia sa Quezon?! Sinong may sabing iuwi niyo siya doon ng hindi ako kasama?!" gulat na tanong ko kay yaya Gina. Kumunot rin ang noo niya at mukang nagtaka sa inasal ko.

"Ano bang sinasabi mo, hija? Naroon sa Garden si baby." sambit pa nito.

Naiwan naman akong nakanganga habang nakatingin sa kaniya.

"Ay hehehehehehe! Nandoon po ba, ikaw naman kasi yaya, hindi mo agad sinabi saakin." biro ko sa kaniya at inismiran niya naman ako.

Nagpaalam ako sa kaniya na pupunta sa garden kaya mabilis na rin akong pumunta doon. Sa daan pa lamang ay nakasalubong ko na si Aleyah na mukang galit.

"You!! Anong klaseng mother ka?! You're not taking care of your daughter!! My gosh!! 'yong daughter mo, hawak ng kidnappers!" galit na sigaw nito saakin.

Kumalat ang matinding kaba sa katawan ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"A-ano? H-hawak ng kidnappers ang anak ko?" naluluhang tanong ko dito.

"Yes! Where the hell have you been?! Why did you left your daughter?! Gosh!" natatarantang aniya habang nagpipipindot sa phone niya.

Habang ako ay hindi na rin mapakali.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now