Chapter 23

48 5 0
                                    

MOONLIGHT

"AH, Shen-shen? Nasaan pala ang mama mo? Bakit nag-iisa ka rito?" tanong ko sa bata. Sinubuan ko siya ng fishball dahil tinuturo niya iyon.

"Hindi pa po ako sinusundo ng mama ko eh. Kanina ko pa nga po siya hinihintay." malungkot na sagot niya saakin.

"Nako, 'wag kang mag-alala paparating na 'yon! Heto kain ka pa." pinisil pisil ko naman ang pisngi niya dahil sa panggigigil ko. Ang sarap niyang iuwi.

"You should eat too." baling saakin ni Maville at sinubuan niya rin ako ng paborito kong sisig.

Ngumiti naman ako sa kaniya habang ngumunguya.

"Excuse me po!"

Pare-pareho kaming napalingon sa dalawang dalaga at isang binata na lumapit saamin.

"Why?" walang emosyong tanong sa kanila ni Maville.

"A-ah, kasi po... May project po kasi kami sa E.S.P., kailangan po kasi naming magpicture ng happy and complete family. Pwede po ba kayo?" tanong ng babaeng nasa gitna.

Napanguso naman ako saka napatingin kay Maville.

"P-pero, hindi naman kami fam---"

"Sure."

Nagulat ako nang akbayan ako ni Maville, hinila niya naman papalapit si Shen-shen saamin at ipinwesto sa gitna naming dalawa. Halatang naguguluhan ang bata sa ginawa niya.

"Magpipicture po ba tayo?" inosenteng tanong saakin ni Shen-shen.

"Yes, baby. Show your beautiful smile okay?" si Maville ang sumagot sa kaniya. Nakangiting tumango sa kaniya si Shen-shen na tila nagagalak.

"Game na po? Lapit po kayo sa isa't-isa." utos naman nung isang lalaki at naglabas ng cellphone. Sa palagay ko ay siya ang kukuha ng litrato saamin.

Napabuntong hininga naman ako ng isiksik na ni Maville ang sarili saakin kahit nasa gitna namin si shen-shen. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti sa camera.

"Isa pa po. Ate, smile ka po ng malaki." utos noong lalaki saakin. Tinatamad na tumango naman ako sa kaniya saka ngumiti ng sobrang laki. 'Yong tipong mawawala na ang mata ko sa sobrang pagkangiti.

"Ayan, last one po. And... Okay na po!"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang tapos na iyon.

"May interview rin po kami para sa inyo. So hello po, ako po si Shantie. Itong dalawang kasama ko po ay si Shaina at Jaylord. May ilang katanungan lang po kami sa inyo, ayos lang po ba?" paliwanag ni Shantie na siyang nasa gitna. Sabay na tumango kaming dalawa ni Maville.

"First po, ano pong names niyo? Okay lang po kahit hindi full name." si Shaina.

"My name is Maville."

"Ako naman si Chantria."

Tumango sila saka nagsulat.

"Ilang years na po ba kayong kasal?" tanong naman ni Jaylord.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Maville, sasagot na sana ako kaso naunahan naman ako ni Maville.

"2 months." si Maville. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong 2 months married eh, 2 months pa nga lang ang nakakalipas noong nakita ko siyang duguan sa gilid ng bahay!

"Wow, ibig sabihin po pala nagkaanak muna kayo, bago kayo ikinasal." tatango tangong ani Shaina. Sumimangot naman ako.

"Ahm, nararamdaman niyo po ba sa sarili niyo na kayo talaga ang para sa isa't-isa? Like you will end up together, forever po?" si Shantie. Natahimik kaming pareho, hindi alam ang isasagot.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now