Chapter 5

90 6 0
                                    

PERYAHAN

KINABUKASAN. Alas dos ng hapon natapos ang huling klase ko kaya naman maaga rin akong nakapasok sa trabaho. Dahil doon, maaga rin kaming nakauwi pareho ni Maville. Hindi ko alam ngunit mayroong parte saakin na sobrang nasisiyahan dahil pagkatapos ng isang taon ay makakapaglaro na akong muli sa perya.

"Kanino mo nga pala nalaman na may perya na ulit?" tanong ko kay Maville na kasalukuyang nagsasapatos. Iyon ang suot niya noong makita ko siyang walang malay sa gilid ng bahay ko.

"Kay ate Lalay. She was asking if pupunta daw ba ako sa peryahan, but I said that I don't even know what perya means." nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin kaya naman nakikita ko rin siya dahil nasa likuran ko lamang siya. Kinuha ko naman ang suklay at akmang magsusuklay na nang agawin naman niya ito saakin.

"Hoy teka lang, ako muna. Maunti naman 'yang buhok---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang umpisahan niyang suklayin ang kulot at basa kong buhok. Natahimik tuloy ako at bahagyang naestatwa sa kinatatayuan ko.

I can feel butterflies on my stomach because of some unknown reason. I also felt my heart beating so fast. Why is that? What is this feeling?

"I love your hair. It's very natural." sambit nito. Ang bawat haplos ng kamay niya sa buhok ko ay nagiging dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko sa batok maging sa braso.

"S-sa pamilya namin ay ako l-lamang ang kulot." paliwanag ko. Hindi ko malaman kung bakit ako kinakabahan.

Tumango lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Sa kakaunting segundo lamang ay napagmasdan ko ang deperensya ng height naming dalawa. He's so tall. Hanggang sa baba lamang ako ng tainga niya samantalang ang height ko ay 5'11. Maybe, he's 6'1?

"I've noticed that you're always wearing a dress? Ayaw mo bang magsuot ng pants? Hmm... Or maybe, crop top? Some of girls love to wear that." mahinanong sambit niya.

Napatungo naman ako at napakagat ng labi.

"K-kase--- my schoolmates used to body shame me before. Lagi nila akong inaasar na malaki ang.... Ang pwet ko daw. Is it bad to have a big... Butt?" inosenteng tanong ko sa kaniya at natigilan naman ito sa pagsusuklay sa buhok ko.

"N-no it's not." naiilang na sagot niya kaya napabuntong hininga ako.

"A-ayun nga, ayaw ko rin na nagsusuot ng fitted na shirt kase-- lagi nila akong inaasar dahil sa... Boobs ko." pahina nang pahina ang boses ko habang nagpapaliwanag.

Nag-angat siya ng tingin kaya nagtama ang paningin naming dalawa mula sa salamin.

"W-what size?"

Kinagat ko ang labi ko saka nag-iwas ng tingin.

"Cup B, 38." bulong ko.

Bigla na lamang siyang nasamid at nag-uubo. Kaya nilingon ko na siya sa likuran ng may pag-aalala.

"Ayos ka lang?" tanong ko dito.

"O-oo! Hahaha! L-let's go." naiilang na sambit nito. Napansin ko rin ang pamumula ng tainga niya.

"Huh? Pero, maayos na ba yung buhok ko?" tanong kong muli at humarap sa salamin upang silipin ang buhok ko. Mukang maayos naman na ito, mamaya ko na lang titirintasin.

"Okay! Let's go na!" masayang saad ko. Nagtatalon pa ako dahil sa tuwa.

Sabay kaming lumabas ng bahay at siya na rin ang naglock.

"Tiarra!!"

I smiled when a familiar voice called me. Nilingon ko naman ito agad at nakita ko si Jachin kasama si Rhizza.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now