Chapter 30

59 5 2
                                    

"SUMAMA ka na saakin. I will bring you back where you belong." pangungumbinsi niya saakin pagkatapos niyang humiwalay sa pagkakayakap.

Nagkaroon ako ng pag-aalinlangan sa sinabi niya. Napatingin ako kay Chin at Rhizza na hawak ang baby ko. Pareho lang silang nakatungo.

"P-pero.." mahinang ani ko.

"Kapag sumama ka sa akin, mabibigyan mo ng magandang buhay ang anak mo, Tiarra." dagdag niya pa.

Mas lalong lumakas ang pag-aalinlangan ko. Kapag sumama ako sa kaniya may posibilidad na makapag-aral ako ng hindi nagtatrabaho. Pero, paano sina Rhizza at Chin? Hindi ko sila kayang iwan. At paano kung... Paano kung bumalik si Maville? Hindi niya alam kung saan ako pupuntahan kapag umalis ako.

"Pwede bang kausapin ko muna sila?" paalam ko kay ate Hailey. She smiled at me the she nodded.

"Go on. Take your time." aniya pa.

Napakagat labi ako bago tumayo at lumapit sa dalawa.

"G-gusto niyang.. Sumama ako sa kaniya." mahinang sambit ko habang nakatingin sa dalawa. Nagpilit sila ng ngiti nang tumingin saakin.

"Sumama ka na, Chan-chan. Ate mo siya, kapag sumama ka sa kaniya makikilala mo na ang tunay mong pamilya. 'Diba pangarap mo 'yon? Ang magkaroon ang kumpleto at buong pamilya?" naluluhang saad ni Rhizza.

"Pero, iiwan ko kayo?" naiiyak na rin na sabi ko.

"Hindi naman pwedeng habang buhay tayong magkakasama, hindi ba? Hindi mo kami kailangang isipin, Chantria. Isipin mo ang sarili mo." si Rhizza.

"Dumalaw ka na lang rito kapag may oras ka. Bisitahin mo kami. Kasama ni Hestia." singit ni Chin at sinulyapan si Hestia.

"Chin... Rhizza.. Salamat. Sa lahat." tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Niyakap ko silang dalawa ngunit iniiwasan kong maipit si Hestia na noo'y tulog na pala.

"Shh... Hindi mo kailangang magpasalamat. Kaibigan mo kami. Lagi kaming nandito para sa 'yo."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Rhizza.

"Kayo na ang naging pamilya ko simula noong mawala si tiya Ysabelle. Maraming maraming salamat sa inyo." iyak ko.

"Maging masaya ka palagi. Alagaan mo nang mabuti si Hestia. Palakihin mo siya ng may mabuting puso at may respeto sa iba." umiiyak ring sambit ni Rhizza.

"Huwag ka na ulit magpapaloko sa ibang lalaki,  sa'kin na lang." si Chin. Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila ay nakita ko kung paano sumama ang tingin ni Rhizza kay Chin.

"Alam na alam mo talaga kung pa'no sumira ng moment 'no?" naiinis na saad ni Rhizza.

"Highblood mo." si Chin.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko naman kaagad si Hestia kay Rhizza nang dahan-dahan.

"Mamimiss ko si baby. Lalo na ikaw, Chan-chan." kunwari'y naiiyak na sambit ni Rhizza.

Ngumiti naman ako saka bumaling kay ate Hailey na nakaabang lamang sa sasabihin ko.

"Ate... Sasama ako sa'yo."

Lumiwanag ang muka ni ate Hailey nang marinig ang sinabi ko.

"That's great! Let's go? Sigurado akong matutuwa si Mommy!" nagagalak na sabi niya at halos mapahiyaw na.

"M-mag aayos lang ako ng mga gamit namin ni baby." paalam ko sa kaniya.

"Oh, you don't need to bring your clothes with you. I will buy you na lang when we get there. Maybe, dalhin mo na lang 'yong mga important things for you."

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now