Chapter 29

49 5 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay ng iyak ng sanggol na umaalingawngaw sa buong bahay. Pagmulat na pagmulat ng mata ko ay si Hestia agad ang hinanap ng aking mata.

Karga karga iyon ni Rhizza na pilit hinihele upang tumahan.

"Rhizza, akin na muna siya." kahit inaantok pa ako ay kinuha ko na agad sa kaniya si Hestia.

"Gising ka na pala, kanina pa umiiyak si baby eh, baka nagugutom na." sabi pa niya.

"Oo, pasensya ka na ah. Dapat ginising mo ako agad."

"Alam ko namang pagod ka, kaya triny ko kung mapapatahan ko siya. Kaya lang ayaw talaga, nanay pala ang gusto." sambit pa niya saka kami parehong natawa.

"Sa kusina muna ako, titingnan ko kung nakaluto na si Jachin. Psh! Baka sunog nanaman ang niluto nun!" dagdag niya pa, nakakunot ang noong lumabas ito sa kwarto kaya natawa na lang ako.

Napatingin ako sa aking anak na tumigil na sa pag-iyak at titig na titig saakin.

"Why are you staring at me like that? Nagagandahan ka ba kay mama?" pabirong tanong ko. Bigla naman siyang ngumiti saakin, nakita ko tuloy ang bunganga niyang wala pang ngipin.

Nanggigil ako sa sobrang ka-cutan niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na paghahalikan siya.

"Ang cute cute mo talaga! Nagpapasalamat talaga ako kay Maville at binigyan niya ako ng napakagandang prinsesa! Nasan na kaya ang papa mo, anak?" hindi niya naman ako sinagot dahil panay lang ang ngiti nito saakin at umuungol-ungol pa.

Sabagay, kung sumagot ito saakin ay baka mahimatay ako. Pano ba naman makakapagsalita ang isang 2 months old na baby?

Napailing na lang ako sa sariling naisip pagkatapos ay saka ko pinadede si Hestia.

Nang masiguro kong hindi na siya iiyak ay inilapag ko muna siya sa kuna at binigyan ng pwede niyang paglaruan at kagat-kagatin. Naligo na rin ako ng mabilisan dahil napagdesisyonan ko na paarawan sa labas ng bahay si Hestia. Maganda rin iyon sa kalusugan niya lalo na't baby.

"Dito lang kami sa labas." paalam ko doon sa dalawa saka lumabas ng bahay.

Alas syete pa lang ng umaga kaya naman nasisiguro kong may vitamins pa ang sikat ng araw ngayon.

"Asus, nakalabas nanaman ang bata." pang-aasar ko kay Hestia. Kaagad naman itong ngumiti at ikinawag kawag pa ang mga paa niya.

"Napakagandang bata naman niyan."

Napatingin ako sa kapitbahay naming si Ate Susan. May dala itong plastic na may lamang pandesal at mukang kagagaling lang sa bakery.

"Magandang umaga ho." bati ko sa kaniya, lumapit ako upang magmano.

"Magandang umaga din naman hija, kaawaan ka ng Diyos. Ay ilang buwan na nga pala itong anak mo?" nakangiting tanong niya saka nilaro ang kamay ni Hestia.

"Dalawang buwan na po. Magtatatlong buwan na sa December 17." sagot ko naman.

"Aba oo nga ano? Tingnan mo nga naman, napakaganda ng anak mo. Ang lago na agad ng buhok. Nako sigurado akong maraming magkakagusto dito 'pag tumanda."

Ngumiti naman ako habang pinagmamasdan siyang laruin si Hestia na nakatingin sa kaniya. Hawak ng maliit na kamay ni Hestia ang hintuturo ni Ate Susan.

"Nako, Chan-chan. Kaarawan nga pala ng panganay kong anak bukas, pumunta kayo ng mga kaibigan mo bukas doon at may kaunting salo-salo. Isama mo na rin itong cute na cute mong anak." dagdag niya pa.

Napaisip naman ako kung may gagawin ako bukas. Wala namang pasok bukas kaya lang ay maging busy rin ako.

"Susubukan po namin." saad ko naman.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now