Chapter 17

58 7 0
                                    

FAMILY

"PULANG pula na ang mata mo, Rhizza. Umahon ka na riyan." saway ko kay Rhizza na kanina pa lumalangoy. Habang ako ay basang basa habang nakaupo sa bato at yakap ang sarili. Nanginginig na ako sa lamig.

"Sandali, isang sisid pa!" aniya saka lumubog sa tubig. Napailing na lang ako saka napatingin sa paligid.

Malapit nang magdilim kaya kailangan na naming makabalik.

Matapos nga ng sinabi ni Rhizza ay umahon na rin siya, kaagad siyang lumapit sa phone niya.

"Hala ka! 5:30pm na pala!" gulat na saad niya.

"Baka kanina pa tayo hinahanap noong dalawa." tumayo na ako at sinuot ang mga tsinelas ko.

"Wow, Chan-chan. Sobrang visible ng underwear mo. Hahahahahahaha sana pala nagdala tayo ng pamalit ano?" tawa niya. Napanguso naman ako saka pinasadahan ng tingin ang sarili ko. White dress ang suot ko na medyo manipis at red na panty at bra. Kaya hindi na ako magtataka kung maging visible talaga ang mga ito.

'di bale, kami lang naman ang tao dito.'

"Halika na, Chan-chan. Mangunguha pa tayo ng mura." aya niya saakin saka nagpamaunang maglakad. Sinundan ko naman siya.

"Ayun! Kunin mo 'yon, Chan-chan. Sure ako bagong laglag pa lang yan." turo niya sa isang mura na nakatago sa isang damuhan. Nagtataka tuloy ako kung paano niya nakita iyon. Pero sinunod ko na lang ang sinabi niya at kinuha ito.

Matapos kong kunin iyon ay kaagad na kaming nagpatuloy sa paglalakad. Naabutan namin sina Chin at Maville na nag-iipon ng punong kahoy. Pareho naman silang natigilan ng makita kaming dalawa ni Rhizza.

"Oh? Umulan ba sa pinuntahan niyo't basang basa kayo?" bungad ni Chin saamin.

"Ano sa tingin mo?" inirapan ni Rhizza si Chin. Bumaling naman saakin si Chin ngunit mabilis ring nag-iwas ng tingin.

"T-Tiarra, m-magpalit ka muna ng damit." naiilang na aniya kaya pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko.

Bahagya naman akong namula nang maalala na halata nga pala ang underwear ko!

Ibinaba ko ang mura na dala ko sa lupa saka walang sabi-sabi na umalis. Pumasok ako sa maliit na dampa at hinalungkat ang gamit ko doon upang kumuha ng damit. Hindi ko na napansin na nasa likuran ko na pala si Maville at sumunod saakin.

"Bakit basang basa ka?" tanong niya saakin. Ngumiti naman ako saka humarap sa kaniya.

"Naglangoy kami sa ilog! Hehehehe! Nako, Maville dapat ay sumama ka! Sobrang linaw ng tubig roon at malamig rin!" masayang kwento ko sa kaniya.

Humalukipkip naman ito saka sumandal sa haligi.

"Paano kung nalunod ka r'on?" seryosong tanong niya.

"Hindi ako malulunod, magaling akong sumisid." tumataas taas pa ang kilay na sagot ko naman habang naghahanap parin ng damit.

"Magaling rin akong sumisid, gusto mong subukan?" may halong pang-aasar ang boses niya habang nakangisi.

"Sige!"

Nawala ang ngisi niya at napalitan ng gulat na reaction.

"T-talaga? D-dito sa dampa? They might hear us." napapalunok na aniya.

Kumunot naman ang noo ko saka tumingin sa kaniya na may pagtataka.

"Dito sa dampa? Wala namang tubig rito, hindi ka makakasisid. Hayaan mo bukas isasama kita sa ilog para makasisid ka." saad ko.

Bumagsak naman ang balikat niya at napakamot sa ulo.

"Ano bang ginagawa mo dito? Lumabas ka muna para makapagpalit ako ng damit!" dagdag ko pa.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now