Chapter 36

48 6 3
                                    

"TEKA, saan ba ako nanggaling kanina?" wala sa sariling tanong ko habang nakakunot ang noo. Muka kasing naliligaw na ako sa sobrang laki nitong school.

Nasa ganoong posisyon ako nang may narinig akong kumakanta at tumutugtog ng music instruments.

"Saan kaya yun?" puno ng kyuryusidad na tanong ko sa sarili habang sinusundan iyong tugtog.

Glass ang dingding ng mga rooms dito kaya naman kitang kita ang nasa loob. 'Yun nga lang, nakakahiyang dumaan dahil kada madadaanan ko ay pinapatay ako sa titig.

Busy ako sa paglalakad nang may marinig akong musical instruments na sinabayan ng pagkanta nv isang lalaki.

Halos idikit ko na ang aking tainga sa pader para lamang marinig at mahanap kung sino man iyong kumakanta.

And I do reside in your light

Put out the fire with me and find

Yeah, you'll lose the side of your circles

That's what I'll do if we say goodbye

To be is all I gotta be

And all that I see

And all that I need this time

To me the life you gave me

The day you said goodnight

"Saan ba kasi iyon?" kunot noong tanong ko sa sarili habang nakadikit sa pader ang tainga at sinusundan iyong tinig ng kumakanta. Sa kakalakad ko ay hindi ko namalayan na napatigil na ako sa harapan ng isang lalaki.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko kung gaano ito kaseryoso habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.

"What are you doing?" nakataas ang kilay na tanong nito saakin.

He's wearing an eyeglasses, matangkad siya at mukang hindi marunong ngumiti dahil sa seryosong muka nito.

Nakaramdam naman agad ako ng matinding hiya saka tumayo ng diretso at nagpilit ng ngiti.

"A-ah.. A-ano kasi.." nauutal na sambit ko, mas lalong tumaas ang kilay nito at mukang iniintay ang sasabihin ko. Nang hindi ako nagsalita ay bumuntong hininga ako saka binuklat ang log book na dala niya.

"What's your name? And what are you doing here? Don't you have class?" walang emosyong tanong nito saakin. Umawang naman ang labi ko dahil hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang pangalan ko. Pero nagtatanong siya, kaya no choice kung hindi sabihin.

"Tiarra Chantria Harriet ang pangalan ko. At Computer Science naman ang course ko." mahinang sabi ko. Agad naman itong natigilan saka seryosong lumingon saakin.

"What is your relationship with Ms. Hailey Harriet?" tanong niya pa.

"We're siblings po." sagot ko naman sa kaniya. Mas lalong tumaas ang kilay nito saka ako tinitigan.

"I see. Your course is computer science, but... Hindi ka dito naka-enroll. Why are you here?"

Napakunot na lang ang noo ko dahil sa dami niyang tanong. Hawak niya ang log book niya habang pilit na hinahanap doon ang pangalan ko.

"Eh kasi, kaka-enroll ko pa lang. Nililibot ko lang naman itong campus saka mga buildings." nakangusong sambit ko.

"You're in the wrong building, Miss. Pag-aari ng SSG officers ang building na ito." aniya saka isinara ang log book.

Mas lalo akong napanguso.

"Hala? SSG Officer building 'to? Ang laki naman? Ilan ba ang SSG officers dito, isang daan?" gulat na tanong ko. Ngunit natahimik ako nang bigla na lamang sumama ang tingin nito saakin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now