Chapter 21

64 5 7
                                    

MOOD SWINGS

NO. I don't love him. I shouldn't love him. Ngayon pa lang alam ko nang masasaktan lang din naman ako sa huli. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko na lang siya makakasama. Lalong hindi ko alam kung ganoon parin ba kami sa dati kung babalik ang mga ala-ala niya.

"Thank you ma'am. Please come again." saad ko sa palalabas na customer.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagka-bored. Hindi ko kasi kasama si Maville ngayon dahil kaninang umaga ang schedule niya. Binago ni Ma'am Shirly ang schedule para daw hindi kami mahirapan. Pakiramdam ko tuloy ay mas nahirapan ako noong binago niya.

One month had passed, at nakabalik na rin kami pare-pareho sa pag-aaral namin. Nairaos naman namin ang selebrasyon ng pasko at bagong taon. Masaya. Sobrang saya. Last year mag-isa akong nagcelebrate ng pasko at bagong taon. Or should I say hindi ko naman talaga ako nagcelebrate dahil nagluluksa ako sa pagkawala ng tiyahin ko. Mabuti na lang, ngayon ay may kasama ako. Si Maville. And besides, nandiyan rin naman si Rhizza at Chin. Hindi nila ako pinababayaan.

I smiled while looking at my phone. Pinagmamasdan ko ang picture naming apat noong minsang nagcamping kami. Hmm, it was perfect. Sana ay maulit muli namin iyon.

Alas diyes na nang matapos ako sa trabaho, pinalitan ako ni Ma'am Shirly. Hindi ko nga alam kung paano niya nakakayang ihandle iyon hanggang umaga. Hanga rin naman ako sa kaniya.

"Hello po. May abokado po ba kayo?" nakangiting tanong ko sa tindera. Dumaan ako sa palengke dahil bigla na lamang akong nagcrave sa abokado. Hindi ko nga alam kung bakit pero kanina ko pa gustong kumain niyan.

"Mayroon, hija. Ilang kilo ba?" tanong ng matanda saakin.

"Nako, tatlong piraso lang po. Ayaw kong lumagpas sa apat." saad ko. Medyo nagtaka pa ang tindera sa sinabi ko pero pinagbilhan niya rin naman ako.

Nang makapasok ako sa bahay namin ay nakita ko si Maville na nakaupo sa sofa. Tulala ito at parang sobrang lalim ng iniisip. Ni hindi niya nga napansin na nakauwi na ako.

"Anong iniisip mo?"

Nagitla siya sa biglaan kong pagsasalita. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako.

"C-Chantria. Nakauwi ka na pala, k-kamusta?" utal na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya.

Ano kayang problema niya?

Hindi ko siya pinansin at nilagay na lamang ang avocado sa lababo. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto at nagbihis.

"Have you eaten?" tanong ni Maville saakin nang makalabas ako. Tumingin ako sa kaniya na parang naiinis na ikinagulat niya..

"Pwede ba? Ayaw kong marinig ang boses mo, 'wag ka ngang magsalita." inis na sabi ko dito. Napalunok siya at pinagmasdan na lang akong kumuha ng plato at kumain mag-isa.

"Kumain ka na ba?" taas kilay na tanong ko rin sa kaniya.

"H-hindi p---"

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na 'wag kang masasalita? Nakakarindi 'yang boses mo." halos magsuntukan na ata ang kilay ko sa sobrang inis sa kaniya. Hindi na lamang siya nagsalita at umupo sa harapan ko. Tahimik siyang kumuha ng pagkain habang pinagmamasdan ako.

Naiinis talaga ako sa boses niya sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Ang sungit mo naman." bulong niya pero narinig ko iyon. Kumunot lalo ang noo ko at inis na tumingin sa kaniya.

"Ano?!" bwisit na tanong ko. Mukang nagulat siya at sunod-sunod na umiling.

"W-wala, Chan. E-eat. J-just eat." kinakabahang aniya, inirapan ko naman siya at padabog na kumain.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now