Chapter 59

11 3 0
                                    


HINDI ko talaga lubos maisip kung anong nais ipahiwatig saakin ni ate Hailey. Hindi niya rin naman sinasabi saakin at hindi ko alam kung gusto niya bang sabihin. Bakit ganito? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari ngayong gabi.

Napabuntong hininga na lamang ako saka napatingin sa sarili ko sa salamin. I'm wearing a simple white dress na hindi bababa sa tuhod ko. Si ate Hailey ang bumili nito at sa palagay ko ay ibinagay niya lamang sa venue namin which is ang dagat. Inayusan niya na rin ako. Napangiti naman ako dahil nagmukang presentable ang itsura ko.

"Para saan ba at inayusan pa ako?" wala sa sariling tanong ko saka ngumiti-ngiti pa sa harapan nang salamin. Nasa ganoong posisyon ako nang mapasulyap ako kay Aleyah na siya rin palang nagpaiwan dito. Nakangiti ito habang nag-aayos sa harapan ng salamin na katabi ko lang. She's even humming. Mukang masaya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya pinandilatan niya naman ako.

"What?!" masungit na tanong niya saakin mula sa repleksyon niya sa salamin. Napanguso naman ako saka umiling.

"Bakit parang ang saya mo.." mahinang sambit ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay saka humarap saakin.

"Why do you care?"

"Uh.. Muka ka kasing masaya."

"Psh! Of course! Is there any reason para hindi ako maging masaya?"

Nagulat ako sa reaksyon niya. Nakangiti ito saakin habang sinasabi ang mga linyang iyon. Ito ang unang beses na makita ko siyang ngumiti saakin. Kadalasan ay masungit ang approach niya sa'kin, ngunit hindi sa oras na ito.

"By the way, do I look pretty na ba? Ugh! I have to be beautiful. This night is mine!" aniya pa. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya.

"Palagi ka namang maganda." napapakamot pa sa ulong sagot ko sa tanong niya.

"I know right! Hays... This is the day that I've been dreaming of.. No one could ever stop me..." sambit pa nito saka inikot-ikot ang buhok niya. Binigyan ko siya nang nagtatakang tingin saka naman niya ako inirapan at muling humarap sa salamin.

Bakit parang hindi ko maintindihan ang mga tao dito ngayon?

Napabuntong hininga na lamang ako kasabay nang pag-iling saka bumaling sa anak kong si Hestia na bigla na lamang umiyak.

"Shhh.. Tahan na anak.." pagpatahan ni yaya Gina sa kaniya. Kinarga niya naman ito at hinele. Lumapit ako sa kaniya upang kunin si Hestia, tutal naman ay hinihintay ko pa si ate Hailey na mag-ayos.

"Bakit umiiyak ang anak ko na 'yan? Gutom na ikaw? Aysus.." nakangiting sambit ko saka siya hinalik-halikan.

"Nako ma'am, baka magusot ang damit mo niyan." si yaya Gina. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling.

"Hayaan niyo na po, kaysa naman panoorin ko na lang umiyak ang anak ko." ani ko.

Ang cute cute talaga ng anak ko! Hays, habang tumatagal ay mas lalo kong nakikita ang muka ni Maville sa kaniya. Walang dudang anak ka nga ni Maville.

"Alam niyo po, naaawa ako sa anak ko. Bukod sa inyong pamilya, wala akong ibang katulong sa pag-aalaga sa kaniya kaya naman madalas ay naiiwan ko siya." malungkot na saad ko saka napabuntong hininga.

Kung nandito lang sana si Maville ay salitan sana kami sa pag-aalaga sa kaniya. 'Yon ay kung matatanggap ni Maville na nagkaanak siya saakin.

"Gusto ko na po agad na matapos sa pag-aaral para makapag focus ako sa pag-aalaga kay Hestia." dagdag ko pa.

"Napakatapang mo hija, para magpalaki ng isang anak na walang umaalalay na ama."

Nilingon ko naman si yaya Gina dahil sa sinabi niya.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now