Chapter 52

17 3 0
                                    

AYANNAH was too stunned to speak. Hindi ito nakapagsalita sa sinabi ko at nakatitig lamang ito saakin.

"W-what?" iyon ang unang sinambit niya ng maka-recover sa pagkagulat. Nang tinitigan ko siya ay bigla naman itong tumawa na animo'y nagbitiw ako ng isang biro.

"Omg! Muntik mo na akong mapaniwala roon, Chantria! You're a joker ha?" anito saka muling tumawa.

Nagkatinginan naman kami ni Rhizza saka sabay na napailing.

Mukang hindi siya naniniwala na anak ko itong kasama ko.

"So, is this ate Hailey's child ba? I didn't know na nag-asawa na pala siya? Since when pa ba?"  sunod sunod nitong tanong saakin.

Napakagat naman ako ng labi dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tinatanong niya.

"Uh.. Ayannah anong oras ka pupunta sa CIE mamaya? Need pa ba raw doon pumunta o kaniya-kaniyang biyahe na papunta sa Quezon?" baling ni Rhizza sa kaniya na halatang nililihis ang usapan.

"Oh, yes! Need pang pumunta roon e. Hindi tayo pwedeng mag commute alone because need na magkakasama kapag aalis at uuwi. Hindi ba nasabi ni Chantria sa'yo?" paliwanag ni Ayannah at sumulyap pa saakin.

"Ay hindi 'te! Nakalimutan kong officer nga rin pala siya hehe."

Mukang nagtaka naman si Ayannah sa kaniya. Napailing naman ako dahil hindi marunong magpalusot itong si Rhizza.

"Hey. You're here lang pala. Kanina pa kita hinihintay roon sa--"

Napaiwas ako ng tingin nang biglang sumulpot si Jaziel sa likuran ni Rhizza. Mukang hindi niya kami napansin noong una ngunit nang makita naman ako ay agad itong natigil sa pagsasalita.

"Oh, babe. I'm sorry! Nakita ko kasi rito si Chantria and Rhizza! Napachika pa ako hihi! I'm sorry, babe.."

Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang usapan nilang dalawa. Napapagitnaan namin sila ni Rhizza kaya naman dinig na dinig ko ang kanilang usapan. Kaagad namang umalis si Rhizza sa pwesto niya at lumapit saakin. Inagaw nito ang stroller ni Hestia saakin. Narinig ko ang magiliw na pagtawa ni Hestia kaya naman naagaw nito ang atensyon namin. Lalo na ang atensyon ni Jaziel.

Sunod sunod ang naging halakhak ni Hestia na animo'y nakita ang paborito niyang laruan.

"Nako! Pasensya na kayo sa anak ko ha? Palatawa talaga ito, manang mana sa mama niya hahaha!" ani Rhizza dahilan ng pagtingin ko sa kaniya.

"So its your daughter? Omygosh! Kanino ba talagang anak ito? Gusto niyo saakin na lang? Hihi! She's so cute! Would you like to adopt the baby, babe? She's too cute, look oh!" si Ayannah.

Bahagya akong napatingin kay Jaziel na diretso ng nakatingin kay Hestia. Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko ang tagpong ito. Pagkatapos ay saakin naman ibinaling ni Jaziel ang tingin niya, pinagpalit palit niya ito saaming dalawa ni Hestia. Hindi ito makapagsalita at lalong hindi ko mabasa ang reaction ng muka niya.

"Hey! Kanina ko pa kayo hinahanap nandiyan lang pala kayo." biglang sumulpot si ate Hailey sa kung saan kaya naman pare-pareho kaming bumaling sa kaniya. Nakita ni ate Hailey sina Jaziel at Ayannah kaya natigilan ito.

"Oh? Nandito rin pala kayo?" gulat na tanong niya sa dalawa.

"Yes, ate. Actually paalis na rin kami, nadaanan lang namin itong dalawa. So paano, girls? We'll go ahead na. Bye girls! Bye ate Hailey!" paalam ni Ayannah saamin saka hinila si Jaziel paalis.

Hindi naman na kami nakapagsalita dahil sinermonan na kami ni ate Hailey. Aniya pa ay kanina pa raw kami roon ngunit hindi pa kami nakakakuha ng mga kailangan namin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now