Chapter 14

92 8 3
                                    

⚠️WARNING: OH ALAM NIYO NA, MAGDASAL KAYO PAGKATAPOS NITO HA.

R18

--------------
MASSAGE

"MALAPIT na ang finals namin for first semester." kwento ko kay Maville habang kumakain kaming dalawa. Nakaupo kami sa damuhan habang pinagmamasdan ang taas ng ferris wheel.

"Sana pumasa ako ngayong first sem, kinakabahan kasi akong bumagsak. Mawawala ang scholarship ko." dagdag ko pa. Nanatili naman siyang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"I'm sure you will pass this sem, and the next next next semester." aniya. I giggled because of what he said.

"Really?"

"Really." ngumiti siya saakin. Maya-maya ay natahimik rin. Na-curious tuloy ako sa kung anong iniisip niya.

"Anong iniisip mo?"

Narinig ko ang mahinang pagbungisngis niya kaya napakunot ang noo ko.

"Why are you always asking kung anong iniisip ko, hmm?" matamis ang ngiting tanong niya.

"Wala lang. I'm just curious you know."

Tinitigan niya ako ng may ngiti sa labi. May kung ano nanaman akong nararamdaman sa tiyan ko, feel ko gustong lumabas ng mga bituka ko at magtatalon sa harapan namin.

"I was just thinking. What if, hindi nawala ang ala-ala ko? Makakasama pa kaya kita dito? Magiging masaya parin kaya ako habang kasama kita?"

I was stunned for a seconds.

"Malamang hindi." may pilit ang ngiting sagot ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin.

If he didn't lose his memories, I wouldn't be able to be this happy because of him.

"To be honest. Bumabalik na ang ilan sa mga ala-ala ko. But, hindi parin malinaw." aniya pa.

"That's good!! For sure, sooner or later maalala mo na ang lahat! Makakabalik ka na sa pamilya mo, Maville." nakangiting saad ko, or should I say.. Pilit na ngiti.

Masaya ako para sa kaniya, pero may part sakin na nalulungkot. Knowing that his memories are coming back, I know sooner or later he'll leave me.

Iiwan niya rin ako.

Hindi na kami muling nag-usap pagkatapos nun at kumain na lamang. Mukang malalim ang iniisip niya at ganoon din naman ako. Sa totoo lang, dapat masaya lang ako for him dahil bumabalik na ang ala-ala niya. Bakit ako nasasaktan?

8PM NA nang makauwi kami sa bahay, tahimik ako habang tinatanggal ang sapatos ko at bahagya pang minamasahe ang kanang balikat ko. Biglang sumakit ang katawan ko, marahil ay gawa ito ng pagod.

"Let's eat?" paanyaya ni Maville saakin. Bumili na lamang kami ng lutong ulam dahil pareho kaming tinatamad magluto.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Mm, mauna ka na lang muna. Hihiga muna ako saglit, ang sakit ng katawan ko eh." inda ko, itinabi ko ang sapatos na ginamit ko bago pumasok sa kwarto. Padapa akong humiga sa kama at nakaramdam naman agad ako ng ginhawa.

"Shet, napagod talaga ako." bulong ko sa sarili. Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Maville na papasok sa kwarto, bahagyang lumubog ang ang parte ng kama na nasa gilid ko at alam kong umupo siya doon.

"What's wrong?" malambing na tanong niya, iniharap ko ang muka ko sa kaniya habang nakadapa parin.

"Masakit ang likod ko, napagod yata ako." nakangiting paliwanag ko sa kaniya.

"Okay. I'll massage you."

Tatanggi na sana ako ngunit sinimulan niya ang pagmasahe sa balikat ko, napapikit naman ako sa sarap na naging dulot noon.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now