Chapter 25

61 5 8
                                    

THE LETTER AND THE NECKLACE


"NURSE Aguirre, baka nagkamali lang po kayo? Baka sa ibang students po ang result na sinabi niyo kay Chan-chan?" nag-alalang saad ni Rhizza.

Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Si Jachin ay nanatiling tahimik at mukang malalim ang iniisip.

"No, Ms. Delos Reyes, hindi kami pwedeng magkamali sa results dahil apat na beses namin siyang chineck para makasiguro na buntis nga siya. Pero pare-pareho lang rin naman ng resulta. Here, this is the results. Maiwan ko na muna kayo." si Nurse Aguirre.

May ibinigay siya saaking mga papel na hindi ko na nagawang basahin.

Nangingilid ang luha sa mga mata ko at ramdam kong anytime ay tutulo na iyon. Ni hindi ako makatingin sa mga mata nila.

"Chantria?" tawag saakin ni Rhizza. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

"B-buntis ako." gumagaralgal ang boses ko habang sinasambit iyon. Nagtuloy tuloy ang luha ko hanggang sa humagugol na nga ako.

Ngunit walang nagpatigil saaking pag-iyak. Hindi nila ako nilapitan upang aluin. Bagkos ay narinig ko ang malalakas na yabag ng paa palabas ng clinic.

"Ano 'yan, Chantria? Akala ko ba hindi ka buntis?" galit na tanong saakin ni Rhizza.

Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa takot.

"Diyos ko naman, Chantria! 20 years old ka pa lang! 3rd year college ka pa lang! Bakit naman nagpabuntis ka kaagad?!" lumakas ang boses ni Rhizza na halos umalingawngaw na sa buong clinic. Hindi ko alam kung may nakakarinig ba saamin at hindi ko na magawang pagtuunan iyon ng pansin.

"Sinong ama niyan?!" muling tanong niya.

Hindi ako sumagot. Umiling ako sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa ginawa kong pagkakamali.

"Si Maville ba?! Si Maville, tama?!" galit na sigaw niya.

Hindi parin ako nagsalita dahil sa takot ko sa kaniya.

"Tangina! Sinasabi ko na nga ba! Ano ka ba naman, Chantria?! Ni hindi mo pa nga alam ang full name noon tapos nagpabuntis ka pa dun?! Tumayo ka diyan! Iuuwi na kita! Siguraduhin lang talaga niyang may magandang paliwanag siya!" galit parin siya. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa utos niya. Wala na pala doon si Chin, siya siguro iyong lumabas kanina. Katulad ni Rhizza ay nag-aalala rin ako sa magiging reaction niya.

Hanggang sa makalabas kami ng clinic ay hindi ko parin mapigilan ang pag-iyak ko, hinawakan ako ni Rhizza sa braso upang alalayan ako sa paglalakad.

"Anong nararamdaman mo?! Nahihilo ka ba?! Tsk! Nasan na ba kasi si Jachin?! Naniya talaga!"

"R-Rhizza." tawag ko sa kaniya.

"Oh?!"

"A-ang lakas ng boses mo, naririndi na a-ako sa 'yo." naiinis na saad ko. Pinahid ko ang mga luhang nagkalat sa muka ko. Bigla na lang nagbago ang mood ko.

"Hala! Pinaglilihihan mo ba ako?! Pero ayos 'yan, para maganda o gwapo 'yang anak mo." aniya pa.

Inirapan ko naman siya saka nauna nang maglakad.

"Alam mo, hindi ko alam kung buntis ka o sadiyang may sayad na 'yang utak mo. Grabe kanina lang iiyak iyak ka diyan." dagdag niya pa.

Doon ko muling naalala ang nalaman ko kanina. Buntis ako. May bata sa sinapupunan ko. Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin kay Maville? Paano na ang pag-aaral ko?

Tahimik ako hanggang sa makarating sa bahay. Alas kwatro na pala. Inaasahan kong maaabutan ko si Maville sa bahay ngunit hindi ko nakita kahit anino niya roon.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now