Chapter 43

48 6 3
                                    

"SIS, tubig ka muna oh."

Napalingon ako sa binatang naglalakad papalapit saakin, may dala dala siyang bottled water na ibibigay nito sa'kin. Ay, hindi pala binata, kun'di nagdadalaga. Kekembot kembot kasi ang balakang nito habang naglalakad. Tinalo pa ako.

"Salamat, Clarence." sambit ko saka inabot ang bote ng tubig mula sa kaniya.

"Ang busy mo naman? Tinatambakan ka ng gawain ni Jaziel." napabuntong hininga siya kasabay ng pag-iling.

"Oo nga eh. May galit ba saakin 'yon? Parang trip na trip niyang pagurin ako." biro ko.

"Ay ewan ko lang 'te! Baka may gusto sa'yo?" biro niya rin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"Nako, 'wag kang mag-aano ng mga ganiyang salita ah. Delikado 'yan, mamaya may makarinig sa'yo." ani ko.

Napatingin ako sa mga list ng kailangan ko pang gawin bago pumasok sa klase ko mamayang 3pm.

"Joke lang naman 'te! Pero anyway, ang galing. Naitayo na agad ang mga rides at stall rito ah? Perfect ka talaga 'te!" tuwang tuwang saad nito at bahagya pa akong sinabunutan.

"No choice eh, minamadali ako ni Vice Pres., parang hindi siya makakahinga ng maayos kapag hindi agad naitayo 'tong mga rides." napakamot ako sa ulo ko.

"What did you say?"

Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Nagsitayuan pa ang mga balahibo ko nang maramdaman ang muka niya malapit sa aking muka galing sa likuran ko.

Parang bilang nanginig ang kalamnan ko sa hindi malamang dahilan.

"H-ha? S-sinasabi? Wala! A-anong sinasabi ko naman." nauutal pang sambit ko saka humakbang ng kaunti palayo sa kaniya.

Sinamaan ko naman ng tingin si Clarence na hindi manlang nagsabi saakin na nandiyan pala si Jaziel.

I cleared my throat at saka naiilang na tumingin sa kaniya. Ayun nanaman ang tingin niyang mukang kakain ng tao. Para namang napakasama ng ginawa ko sa kaniya.

"Ms. Secretary, come to my office now." utos nito saka naglakad paalis.

Napanguso naman ako saka tumingin kay Clarence na tatawa tawa. Napailing na lang ako saka sumunod kay Jaziel.

Nasa likuran niya lamang ako habang sinusundan siya papunta sa office nang makaramdam ako ng kirot saaking puson. Napatigil ako sa paglakad dahil pakiramdam ko ay may tumutulong kung ano sa pempem ko.

Hindi kaya may dalaw na ako?

Nakagat ko ang sariling labi nang maisip iyon, wala pa naman saakin ang bag ko!

"What's wrong?"

Nilingon ko si Jaziel na noo'y tumigil din pala sa paglalakad at nasa harapan ko na.

"Ah, V-vice pres., mauna ka na sa o-office ha.. K-kailangan ko lang mag-cr." paalam ko sa kaniya saka tumalikod upang pumunta sa CR. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag naman nito ang pangalan ko.

"Chantria."

Muli nanamang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Parang ngayon niya lamang ako tinawag sa pangalan ko.

Naramdaman ko ang paglapit niya saakin kaya naman napalunok ako. Bahagya pa akong nagulat nang hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat.

Ano bang ginagawa niya?

"Did your monthly period visit you?" bulong nito saakin.

"H-huh?"

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now