Chapter 4

95 5 0
                                    

WORKMATES

DALAWANG LINGGO. Dalawang linggo na simula noong matagpuan ko ang katawan ni Maville na puro dugo sa gilid ng sarili kong bahay. Sa dalawang linggong iyon na nakakasama ko siya ay doon ko siya mas nakilala.

Hindi siya marunong sa gawaing bahay.

---------------

"I'll wash the dishes." nagprisinta siya pagkatapos naming kumaing dalawa. Hindi naman ako tumutol dahil may gagawin pa din ako.

Hinayaan ko siyang maging abala sa mga hugasin habang nagsusulat ako. Ngunit hindi pa man siya nagtatagal sa kusina ay nakarinig na ako ng mga nabasag na pinggan.
Nataranta ako't napatakbo sa kusina.

"What happened?!" kinakabahang tanong ko. Hindi siya nagsalita nakatingin ito sa sahig kaya nilingon ko rin iyon. Doon ay nakita ang isang basag na pinggan, nagkatinginan kaming dalawa at walang namutawing salita sa pagitan namin. Nangibabaw ang katahimikan sa buong kabahayan.

"N-nabitawan ko. D-dumulas sa kamay ko." basag niya sa katahimikan. Hindi naman ako nagsalita at pinagmasdan lang siyang kumuha ng isang pinggan. Akmang kukuskusin niya na ito ng sponge ngunit dumulas nanaman ito mula sa kamay niya!

Napatalon at napatili ako ng mahulog ito sa sahig nabasag. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat.

---------

"CHAN-CHAN!!"

Iniwan ko ang niluluto ko nang marinig ko ang sigaw ni Maville mula sa C.R.

"Bakit?" nanlalaki ang matang tanong ko dito. Nakaupo ito sa isang bangkito habang nakaharap sa plangganang puro sabon.

"Look, your uniform turns.... Red." kinakabahang aniya habang hawak ang school uniform kong naging red na nga. Natampal ko ang sarili kong noo ng makita iyon.

"Don't tell me isinama mo 'yong red shirt mo dito sa uniform ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at napapahiya naman itong tumango.

"Maville, hindi mo dapat pinagsasama ang white at mga de-color kapag naglalaba ka. Dapat inuna mo kusutin 'tong mga puti." mahinahong paliwanag ko. Mabuti na lang at iisa lang ang uniform ko doon at yung ibang white shirt niya lang ang nakulayan ng red.

"O-okay, i'm sorry. I didn't know." mahinang sambit niya. I just smiled at him bago bumalik sa kusina.

Hindi ko naman dapat siya pinaglalaba pero nag-iinsist siya. Hays.

---------

"Ugh! Kainis! I can't beat your high score! Naduduling ako kapag mabilis na." reklamo ni Maville nang mataya siya sa larong zombie tsunami na nasa cellphone ko.

Kasalukuyan akong gumagawa ng project at siya naman ay panay lamang ang laro doon.

"Sige nga, lagpasan mo 'yang high score ko. Pag nalagpasan mo 'yan may premyo ka sakin." pang-uuto ko dito.

"Really?! Kayang kaya ko 'tong lagpasan!" aniya saka muling naglaro.

Nasa ganoong sitwasyon kami ng may maamoy akong kakaiba. Smells like.... Nasusunog.

"Amoy sunog." wala sa sariling sambit ni Maville. Nagkatinginan kaming dalawa saka sabay na nanlaki ang mata.

"Maville yung sinaing mo sunog na!!!" sigaw ko, halos sabay kaming napatakbo papunta sa kusina.

-------

NATIGIL ako sa kaiisip nang maglapag ng pagkain sa aking harapan si Jachin kasama niya si Rhizza na kaibigan ko rin.

"Sobrang lalim ng iniisip mo ah." aniya saka umupo sa harapan ko. Umupo rin naman si Rhizza sa tabi ko.

"Wala lang, iniisip ko lang si Maville. Hindi parin kase bumabalik ang ala-ala niya." sabi ko habang kinukuha ang pagkaing binigay saakin ni Chin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now