Chapter 47

37 6 0
                                    

"WHAT if---"

"What if-- what?"

"What if we make our own family? That sounds good right?"

"Hindi pa nga ako tapos mag-aral!"

"Wow? So kapag tapos ka na mag-aral pwede na?"

"E-eh..."

"Don't worry, papakasalan kita kapag tapos ka nang mag-aral."

NAALIMPUNGATAN ako nang mapanaginipan ko ang ala-ala naming dalawa ni Maville. Hindi ko na napansin na napaluha na pala ako dahil doon.

Ilang buwan na rin pala, mag-iisang taon na rin simula noong iwan ako ni Maville sa Quezon noon. Noong araw na nalaman kong pinagbubuntis ko na pala si Hestia. Matagal tagal na rin, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita.

Sa kabila nang lahat ng iniisip ko ay biglang nag-appear sa isipan ko ang muka ni Jaziel. Ang Vice President ng SSG Officers. Sandaling kumunot ang noo ko nang maalala ang muka niya, bakit siya ang naaalala ko? Ilang beses niya nang itinanggi na siya si Maville.

Ngunit posible kaya na magkaron ang isang tao ng kamuka niya? I mean, iyong kamukang kamuka?

Napabuntong hininga ako sa isipin na 'yon at doon ko lamang napagtanto na nasa isang pamilyar na kwarto na ako.

Ang kwarto ko!! Bakit narito na ako? Kanina lang ng makatulog ako ay nandun ako sa bahay nina Jaziel ah? Nagpalinga linga ako sa paligid ko saka kinapa ang sarili kung nilalagnat pa ba ako.

Omg! Bumaba na ang lagnat ko!

Tumigil ang paningin ko sa crib ni Hestia, nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya roon na mahimbing na natutulog.

Kaagad naman akong bumangon at umalis sa kama para lumapit sa kaniya.

Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa may gilid ng kama ko.

"1:00am na pala." napangiti ako saka tinitigan si Hestia.

"Ang anak ko, 3 months old na." nakangiting sambit ko habang pinagmamasdan siya.

Sa sobrang himbing ng tulog ni Hestia ay napapangiti pa ito. Madalas kong makita ang muka ni Maville sa kaniya, nakakatampo. Ako ang nagdala sa kaniya sa loob ng siyam na buwan tapos si Maville naman ang kamuka niya.

"Mahahanap ko pa kaya siya?" wala sa sariling tanong ko habang nakatitig kay Hestia.

Mahahanap ko siya hindi ba?

Mahahanap ko siya. No choice kun'di ang hanapin siya, para rin ito kay Hestia.

MONDAY morning, 7am ako umalis sa bahay namin dahil 8am ang unang klase ko. Hindi ko kasabay si Rhizza dahil nauna na siya kanina, may short examination kasi kami ngayon kaya ang sabi niya ay doon na siya sa university magrereview.

Muntik pa nga akong hindi makapasok dahil ayaw akong papasukin nina ate Hailey, kagagaling ko lang daw kasi sa sakit. Speaking of sakit, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Nakakalimutan ko rin kasing itanong sa kanila, baka kay Jaziel ko na lang itanong mamaya.

Naglalakad ako sa hallway ng university nang may marinig akong ingay sa kung saan, may mga kumpulan din ng tao kaya naman pati ako ay naki-usyoso na rin.

"You freaking bitch!! Bawiin mo 'yang sinabi mo!!" sigaw ng kung sino.

Kumunot ang aking noo nang mapamilyaran ang boses na iyon.

Boses iyon ni Aleyah!!

Nakisiksik ako sa mga studyante upang makita ang mga nangyayari.

"Bakit ko babawiin?! Eh totoo namang malandi ka! Nilalandi mo si Sandro!"  sigaw ng kaaway niya!

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now