Chapter 51

13 2 0
                                    

ILANG araw matapos ang insidenteng nangyari ay tila bang natauhan ako sa mga pinaggagawa ko. Kamuntik-muntikan na akong masagasaan ng isang kotse, at kung hindi ako naitulak ni Nash ay malamang, naging kritikal ang kalagayan ko. Dahil sa mga nangyari ay naipaisip ako, paano na lamang kung nasagasaan nga ako doon? Paano na lang si Hestia. Hindi ko kayang ipagpalit ang buhay ko para lamang sa isang lalaki kung ang kapalit naman ay ang pag-iwan ko sa anak ko.

I found out that Ayannah and Jaziel was committed with each other, they're in a relationship to be exact. Isa iyon sa naging rason upang tigilan ko na ang pag-iisip na si Jaziel at si Maville ay iisa. Napag-isip isip ko na masyado ko nang nailalaan ang oras ko sa paghahanap kay Maville, sa pag-aalala kung makikita ko pa ba siyang muli. Because of my realization, sinimulan ko nang iwasan si Jaziel, maliban na lang kung may mga ipapagawa siya saakin.

Lumipas ang mga oras, araw, linggo at buwan at sumapit na nga ang ika-limang buwan ng kapanganakan ng aking anak na si Hestia.

"HAPPY 5TH MONTHS OLD, BABY HESTIA!!" malakas na bati ni Rhizza habang hawak ang cake na regalo niya raw kay Hestia.

Aba? Mukang nakakaluwag luwag siya ah?

"Grabe, ang bilis lumaki ni Hestia ano? Ang hahaba ng mga binti! Nako sigurado ako nagmana 'yan sa'yo, Tiarra!" ani Chin na nilalaro si Hestia habang karga karga ko naman ito.

"Syempre naman ano ka ba, wala namang pagmamanahan ng liit 'yan ano. E pareho lang naman silang matangkad ni Mav--" si Rhizza

"EHEM!!" si Chin.

Natawa naman ako nang pinanlakihan niya ng mata si Rhizza, ako naman ang umihip sa kandila na nakalagay sa cake.

"Jachin at Rhizza, nako mag-aaway nanaman kayo! Nakakarindi 'yang mga bibig niyo ha, tigil tigilan niyo 'yan!" sermon ni ate na kabababa lang. Makikita sa itsura niya ang pagkainis sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Sorry po, ate." sabay na sambit ng dalawa.

Dahil nga ika-limang buwan na ng kapanganakan ni Hestia ay naisipan kong magkaroon ng kaunting salo-salo dito sa bahay. Ang gusto pa nga sana ng mga kapatid ko ay bonggang celebration ngunit sabi ko ay i-reserve na lamang 'yon sa first birthday niya.

"Oo nga pala hija, hindi ba't may fieldtrip at camping kayo?" tanong ng mommy, bumaba na sila ni kuya kanina upang magsabay sabay sa pagkain.

"Opo, napagplanuhan po ng mga officers na sa Quezon po gaganapin 'yon. Mamayang hapon po ang alis namin."

"Quezon? Quezon City?" tanong niyang muli.

"Hindi po, sa Quezon Province po, ang lugar kung saan po ako nanggaling." sambit ko.

"Mama!"

Lahat kami ay napangiti nang magsalita si Hestia. Napakagiliw ng anak ko.

"Aba, maganda ano? Do you mind if I join you?"

Natigilan ako sa sinabi niy, join me?

"Ho?"

"Kung hindi mo mamasamain anak ay gusto ko sanang sumama. Gusto kong malaman kung paanong buhay ang kinalakihan mo roon." nakangiting aniya.

"Don't worry, I'll bring Hestia with me." dagdag pa nito.

Wala naman akong ibang nagawa kun'di ang pumayag. Nasabi niya rin naman saakin na sa hotel muna sila tutuloy.

Napaisip naman ako kung saang hotel ko ba sila patutuluyin doon, parang wala naman akong alam na hotel doon.

Sa gitna nang pag-iisip ay bigla naman akong tinawag ni ate Hailey. Sinabi niya saakin na samahan ko siya sa supermarket mamaya dahil kailangan niya na raw mag grocery.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now