Prologue

267 4 0
                                    

Note: This story is fiction. This isn't fantasy. This story may contain some bad words and some adult scene or 18+ stuff. So if you don't want to read stories like this, you better find another story. I'm not a professional author so i'm so sorry for my wrong grammars and misspelled words.

Enjoy reading.

------

PROLOGUE

Moonlight represents the light of the moon.
Crown represents power, legitimacy, victory and honour.
City represents the place created by man.
God Apportion represents the divine and share out according to the plan.

"ATE Lalay, mayroon pa ba?" nakangiting tanong ko kay Ate Lalay na may-ari ng isang karinderya sa aming baryo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"ATE Lalay, mayroon pa ba?" nakangiting tanong ko kay Ate Lalay na may-ari ng isang karinderya sa aming baryo.

"Naku, Chan-chan! Muntik nang maubos, mabuti na lang at ipinagtabi kita kaagad." inabot niya saakin ang isang plastic na may lamang ulam na sisig. Madalas ko itong bumili sa karinderya nila kaya naman nakasanayan niya na ang biglaan kong pagsulpot sa harapan nila tuwing gabi.

"Bakit nga ba gabing gabi ka nanaman?" tanong pa nito saakin habang inaabot ko sa kaniya ang 60 pesos na bayad para sa ulam.

"Nag-overtime po kase ako sa trabaho. Alam niyo na po, ako lang mag-isa ang tindera doon. May nilakad ho kase 'yong boss ko kaya ako na muna ang tumao roon." nakangiting paliwanag ko naman sa kaniya. Inilagay ko sa dala kong bag ang ulam saka nakangiting humarap sa kaniya.

"Napakasipag mo talagang bata ka! Oh sige na, madilim na sa daanan kaya lumarga ka na. Mamaya madatnan ka pa ng kung sinong adik diyan." pag-alala nito saakin. Ngunit tinawanan ko lamang siya.

"Si Ate Lalay naman, magkatabi lang naman tayo ng bahay oh." itinuro ko pa ang katabing bahay ng karinderya niya.

"Aba oo ng pala ano?"

Muli akong humagalpak ng tawa bago magpaalam sa kaniya.

Madilim ang daanan dito sa lugar namin at marami ring punong nakapalibot. Kaya naman kung may dapat man akong katakutan, sa multo at aswang lang at hindi sa mga adik.

Sa loob ng 20 years na pagtira ko dito ay halos kilala ko na lahat ng tao at mga kapitbahay ko. Kaya, wala na rin akong dapat ikatakot dahil halos lahat sila ay mababait naman.

Tahimik akong naglakad papalapit sa maliit na bahay na tinitirhan ko, nang makatapat ako sa pintuan ay akmang bubuksan ko na sana iyon gamit ang susi ngunit bigla na lamang akong nakarinig ng ungol.

Hindi ungol ng aso, o ng kung ano mang hayop kundi ungol ng tao! Nanggaling iyo sa gilid ng bahay ko, may kakaunting pagitan ang bahay ko at bahay ni Aling Lalay at doon nagmumula ang ingay na naririnig ko.

"Hmm!"

Nag-umpisang magsitaasan ang mga balahibo sa buong katawan ko.

"Ano 'yon? Multo?" kinakabahang tanong ko sa sarili saka ko kinuha ang sariling cellphone sa bulsa ng skirt ko. Binuksan ko ang flashlight nito at itinutok sa madilim na bahagi sa gilid ng bahay ko.

Dahan dahan akong naglakad papalapit dito at sa bawat hakbang ko ay palakas ng palakas ang ungol na naririnig ko. Hindi iyon ungol na sanhi ng sarap kun'di ungol na ang sanhi ay sakit.

Impit akong napatili nang tuluyan nang makalapit sa gilid na bahagi ng bahay ko.

"Omygosh! A-ano 'yan?!" gulat na tanong ko habang nakatingin sa lalaking puno ng dugo ang damit at nakagapos ang mga kamay gamit posas! Hindi ko na rin naririnig ang ungol na dahilan ng paglapit ko rito!

Omygosh! What should I do? Should I call for help?! N-no! What if nasa paligid lang ang taong may gawa niyan sa kaniya?!

Because of what I thought, kinakabahang napatingin ako sa paligid. Ngunit wala akong makitang ibang tao kung hindi ako lamang! Tinanaw ko ang karendirya ni Ate Lalay upang tingnan kung may tao roon ngunit wala akong makita ni isa!

"W-what should I do.." natatarantang tanong ko sa sarili saka lumapit sa lalaking walang malay.

"H-hey! Ayos ka lang ba? A-anong nangyari sa 'yo?" bakas sa boses ko ang kaba ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

P-patay na ata!

Nanlaki naman agad ang mata ko dahil sa naisip ko! Nanginginig na hinawakan ko ang kamay niyang naka-posas at pinakiramdaman kung may pulso pa ba siya. Nang maramdaman kong tumitibok pa ito ay kaagad akong nakahinga ng maluwag.

"I'm in trouble." mahinang bulong ko saka tumingin sa lalaki nang may pag-aalala.


----------

Maville represents the City while Chantria represents the Moonlight.

" MY CITY'S MOONLIGHT "

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now