Chapter 26

68 5 1
                                    

I DECIDED to continue studying. Kumalat sa buong school ang balitang buntis ako. Hindi lang sa school pati na rin sa barangay namin. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, lahat ng tingin nila saakin ay nag-iba. They all started to call me a bitch, a slut, nasa loob ang kalandian. Lahat ng mga sinasabi nilang magaganda noon saakin ay napalitan ng panghuhusga.

Ayos lang. Kaya kong tanggapin ang lahat ng sinasabi nila. Kilala ko ang sarili ko kaysa sa pagkakakilala nila. Hindi ko kailangang magpaapekto sa kanila.

"Oh, nandito na pala ang malandi." dinig kong bulong ng isang estudyante makapasok ako ng university. Napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"Kingina talaga, sarap pumatay ng papansin." bulong ni Rhizza sa tabi ko. Sinulyapan ko naman siya saka nginitian, nagpapahiwatig na 'wag niya nang patulan.

Lagi kong sinasabi sa kanilang dalawa ni Chin na 'wag na nilang papatulan ang mga taong nanghuhusga saakin, dahil nga ayaw nila akong ma-stress dahil sa pagbubuntis ko ay sinusunod na lang nila kahit labag pa sa kalooban nila.

"I wonder kung ilang beses nilang ginawa 'yon? Laspag na siguro 'yan! Hahahahahahaha! Miss paisa!" sabi pa ng isang lalaki. Kumuyom ang mga kamay ko dahil sa inis. Ang babastos nila.

"Bigyan mo lang ako ng permiso, sasapakin ko 'yon." galit na sambit ni Rhizza ngunit nginitian ko na lang muli siya at inilingan.

"Bilisan na lang natin maglakad." pilit ko siyang hinila hanggang sa makalayo sa mga mapanghusgang tao.

Naglalakad kami sa hallway ng building namin ng tumabi si Chin sa gilid ko. Malaki ang ngiti nito saakin at mukang may magandang balita.

"May dala akong mangga." bulong niya saakin. Naglaway naman ako bigla sa sinabi niya. Lumaki ang ngiti ko at nakaramdam ng tuwa.

Omygosh! Kahapon pa ako nagke-crave sa mangga!

"Talaga?! Omg! Salamat, Chi---"

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lamang may pumatid saakin at tuloy tuloy akong bumagsak sa sahig!!

"Tiarra!"

Nakarinig ako ng malakas na tawanan sa paligid.

"Oopps-- Sorry! Haharang harang ka kasi eh! Hahahahaha!"

Hindi agad ako nakapagsalita nang marinig ko ang boses ni Samirah. Anak ni Ate Lalay.

"Tarantado ka ah!! Bakit mo ginawa 'yon?!" galit na sigaw ni Rhizza.

"Tiarra, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Chin saakin at sinusubukan akong alalayang tumayo. Halos maiyak ako nang makaramdam ng kirot sa tiyan ko.

"M-Masakit." naiiyak kong saad.

Nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong likido na tumutulo mula saakin.

"Omygosh! Dinudugo ka! So it's true, na buntis ka?!" hindi makapaniwalang saad ni Samirah.

D-dinurugo ako?!

"Tangina." dinig kong mura ni Jachin bago ako buhatin. Doon ko nakita ang dugong umaagos pababa sa hita at binti ko! Kusang tumulo ang luha ko dahil sa pag-aalala!

"Putangina!! Oo, buntis siya!! Hindi ka pa nakuntento't pati bata sa sinapupunan niya, gusto mong patayin?! Tangina mo!! Kapag may nangyaring masama sa baby niya, magtago ka na dahil susundan talaga kita kahit sa impyerno pa!!" galit na sigaw ni Rhizza kay Samirah!

Nakita ko kung paano bumakas ang takot sa muka ni Samirah!

"Tama na 'yan, Rhizza! Kailangan nating dalhin sa ospital si Tiarra!!" si Chin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now