Chapter 15

83 7 0
                                    

MOONLIGHT

DAYS had passed after that day. Naging abala ako sa pagrereview para sa darating na exam. Nagpaalam rin ako sa trabaho na hindi muna ako makakapasok ng ilang araw dahil nga pinaghahandaan ko ang exam. Thankfully, pumayag naman si Ma'am Shirly.

"Pahiram ako ng libro na 'to ah." paalam saakin ni Rhizza na ang tinutukoy ay ang librong nabasa ko naman na kanina. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nasa library kami ngayon at inaabala ang sarili sa pagrereview, bukas na kasi ang exam naming pareho.

Tutok ang aking mata sa notebook na pinagsusulatan ko ng mga activities na kailangang ipasa. So far, naipasa ko naman na lahat at tanging exam na nga lang ang kailangan ko.

"Kumpleto ka na sa lahat?" tanong ni Rhizza saakin habang nagbabasa siya.

"Oo, buti na lang. Ikaw ba?" sagot ko sa kaniya.

"Kumpleto na rin ako, maliban na lang kung may ipapagawa pa sila diba."

Tumango tango lang ako saka tumayo at kumuha pa ng ibang librong pwede kong ma-review. Pagbalik ko sa lamesa ay naroon na rin si Chin.

"Oh, Chin? Wala ka nang klase?" bungad ko sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya saka naupo sa tabi niya.

"O-oo tapos na." sambit niya nang hindi tumitingin saakin. Napapansin kong madalas itong mailang saakin simula noong araw ng birthday niya. Ano kayang nangyari kay Chin?

"Oo nga pala guys, naalala ko lang. After nga pala ng exam wala na tayong class diba? Kasi Christmas break na." panimula ni Rhizza, tumaas naman ang kilay ko at nakinig sa susunod na sasabihin niya.

"Anong plano natin?" nakangiting tanong niya saamin ni Chin. Nagkatinginan kami ni Chin at tila hindi naiintindihan ang nais niyang sabihin.

"Anong anong plano, Rhizza?" balik na tanong ko sa kaniya.

"Hello! Ang boring kaya sa bahay, 'wag niyo sabihing ayaw niyo manlang maggala? O ayaw niyo manlang magsaya?" si Rhizza.

"What if magcamping tayo?" si Chin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Saan naman?" kamot-ulong tanong ko sa kanila.

"Kahit saan, sa ilaya kaya?" ani Rhizza.

"Katakot naman doon, Rhizza. Alam mo namang mapuno at walang masyadong bahay sa ilaya. Mamaya may aswang dun." nakangusong saad ko.

"Ayaw mo noon? May thrill? Hahahahaha!! Final na doon na lang, isama mo si Maville ha?! Boring kapag tayong tatlo lang." dagdag niya pa.

"Tsh! Bakit kailangang isama pa 'yon?" reklamo ni Chin. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Bakit naman hindi? Kung tayong tatlo lang edi maiiwan siya mag-isa sa bahay. Kawawa naman." saad ko.

"S-sige, ikaw ang b-bahala." sabi ni Chin saka bumalik sa librong binabasa niya rin kanina.

Sandaling kumunot ang noo ko dahil sa inasta niya ngunit kaagad ko na rin namang ipinagsawalang bahala iyon.

Alas singko na mapagdesisyunan naming magsiuwian. Nang makarating ako sa bahay ay hindi parin nakakauwi si Maville kaya naman ipinagpatuloy ko na lamang ang pagrereview ko sa sala.

Malamang ay 8pm pa siya matatapos sa convenience store.

Patuloy ang pagtakbo ng oras habang nagrereview ako at hindi ko na namalayan na madilim na pala. Hindi parin ako nakakapagpalit ng damit kaya tumayo muna ako at binuksan ang ilaw, saka ako nagpalit ng damit.

Saktong paglabas ko sa kwarto ay ang biglaang pagbukas ng main door. Iniluwa noon si Maville na saakin agad tumama ang paningin.

"Hi. Did you eat?" bungad niya, lumapit siya saakin saka yumakap. Natulala naman ako sa gulat.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now