Chapter 34

52 8 4
                                    

MADILIM na nang makauwi kaming muli sa Mansion. Naabutan namin ang Mommy niya na nakaupo sa sala kaya naman ibinilin ko muna sa maid si Hestia dahil alam kong kailangan naming mag-usap. Tahimik kaming naglakad ni ate palapit sa kaniya na bigla na lamang tumayo nang mapansin kami.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya nang magtama ang paningin naming dalawa, maging siya ay ganoon. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya mawari.

Naramdaman ko ang paghawak ni ate Hailey sa balikat ko kaya kaagad ko siyang nilingon.

"Go..." mahinang sambit nito at binigyan ako ng sinserong ngiti.

Pagkatapos ay muli akong humarap sa Mommy niya na nangingilid na ang luha habang nakatingin saakin.

"Anak.." dinig kong sabi niya. Bakas ang lungkot at tuwa sa muka niya kaya naman nangilid na rin ang luha ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. And at that moment, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na lumapit sa kaniya at yakapin siya nang mahigpit.

"Mommy.." humihikbing saad ko habang nakayakap sa kaniya, animo'y batang inagawan ng laruan.

Sunod-sunod ang naging pag-iyak ko nang yakapin niya rin ako. Narinig ko rin ang mahina niyang hikbi.

"Tiarra.. Anak. Ang laki-laki mo na." aniya saka humiwalay sa yakap, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha kong hindi parin matigil sa pag-agos.

"I missed you so much, my daughter. I'm glad you're back. Halika, umupo ka. Kwentuhan mo si Mommy."

Inalalayan niya pa akong maupo sa sofa at ganoon din ang ginawa niya.

"What happened to you, hija? Magkwento ka saakin." parang sabik na sabik pang sambit niya.

"Uh, Mommy. Past 7pm na, can we eat dinner muna before the kwentuhan? Or, pagsabayin na lang right? That's sweet!" singit naman ni Aleyah na hindi ko namalayan na nakalapit na pala saamin. Nilapitan niya si Mommy, hinawakan ito sa braso at hinila upang mapatayo.

"Aleah.." narinig ko ang nagbabantang tono sa pananalita ni ate Hailey.

"Oh? Yes, ate?" nakangiting baling ni Aleah kay ate na tila hindi niya nararamdaman ang tensyon.

"You fucking ruined the moment, what the fuck is wrong with you?" galit na tanong ni ate sa kaniya. Nakaramdam ako bigla ng pagkataranta kaya tumayo na rin ako at lumapit kay ate.

"A-ate, tama naman ang sinabi ni Aleah. Gutom na r-rin ako, baka pwede na tayong magdinner?" mahinahong sambit ko saka siya hinawakan sa braso upang pakalmahin.

"Right hija, baka gutom na kayo. Let's eat dinner na lang muna." pagsang-ayon rin ni Mommy.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni ate saka napapikit.

"Okay. Mauna na kayo sa dinning area, may kailangan lang akong kunin." aniya saka binigyan ng isang masamang tingin si Aleah pagkatapos ay umalis na.

Ngumiti naman saakin si Mommy habang si Aleyah ay sobrang sama rin ng tingin saakin.

"Let's go." ani Mommy saka nagpamaunang lumakad. Naiwan naman kaming dalawa ni Aleah sa sala.

"I don't like you." maarteng sambit nito. Nakagat ko naman ang sariling labi dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya.

"You should leave this house or else... I will make you suffer." nagbabantang dagdag pa nito saka umalis rin. Natulala naman ako sa sinabi niya.

Ano bang problema nun sakin?

Napasimangot nalang ako at plano na sanang sumunod sa dinning area nila ngunit hindi ko naman alam kung saan iyon. Magtatanong na lang ako sa mga maid.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang maghanap ng maid pero wala akong makita ni isa. Sa halip ay nakita ko si kuya Janziel na pababa ng hagdan at diretsong nakatingin saakin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now