Chapter 49

65 4 0
                                    

HINDI ko na mabilang kung ilang buwan ko na bang hindi nakikita si Maville. Malapit na atang mag-isang taon. Sa ilang buwan na 'yon na hindi ko siya nakikita ay hindi ko na alam kung kamusta na ba siya. Kung maayos ba ang kalagayan niya, kung kumakain ba siya ng ayos, kung naiisip niya pa ba ako o kung... Naaalala niya parin ba ako? Naalala niya pa ba si Chantria?

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit umaasa parin akong makikita ko pa siya. Totoo palang malaki ang maynila. Hindi ko siya mahanap.

At totoo rin palang mapaglaro ang tadhana, hindi ko mahanap si Maville ngunit inilapit niya naman ako sa taong kamuka niya, na halos araw-araw kong nakikita at dahilan ng pagbalik ng ala-ala naming dalawa ni Maville sa isipan ko.

Well, napagdesisyonan ko namang hanapin si Maville, at iyon ay uumpisahan ko... Sa taong kamukang kamuka niya.

Sa taong katabi ko ngayon.

"Look... I'm so sorry about what happened earlier in this morning. I didn't mean to shout."

Bahagya pa akong nagitla nang magsalita siyang muli. Naiilang naman akong napatingin sa kaniya.

"Ano... Ayos lang 'yon, gusto ko ring humingi ng tawad sa mga nasabi ko.. Kanina." pahina nang pahinang sambit ko.
Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kaniya.

Nakipagtitigan ito saakin hanggang sa tumango siya.

"That's nothing to worry about." aniya pa.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa muka niya, magkamukang magkamuka sila ni Maville! Maya-maya pa ay nalipat ang paningin ko sa tainga niya, may butas pala ang tainga niya? Para sa hikaw.

Remembering Maville, may hikaw din siya na suot noon.

Kumunot naman ang noo ko saka nagsalita.

"Bakit hindi ka nagsusuot ng hikaw?" wala sa sariling tanong ko.

Parang nagulat siya sa tanong ko.

"Huh? W-what do you mean?" nauutal nitong sabi.

"'Yang tainga mo, may butas para sa hikaw." saad ko sabay turo pa sa tainga niya.

Magsasalita na sana siya kaso lamang ay biglang nagbukas ang pintuan ng kotse sa tabi niya.

"Oww, sorry. May tao na pala there." ani Aleyah na siyang nagbukas ng pintuan.

Nang makita niya kaming dalawa ni Maville sa loob ay doon na siya sa harapan sumakay. Kasunod niya si ate Hailey.

"Hay nako, Aleyah! You're getting into my nerves! Bakit ka nanaman ba nakipag-away?!" galit at pasigaw na tanong ni ate sa kaniya nang makasakay si ate.

Napatingin naman kaming dalawa ni Jaziel sa kanila.

"Ate, I already told you! Hindi ako ang nag first move! She even called me a bitch! Chantria was there too!" paliwanag ni Aleyah.

Napatingin naman si ate saakin kaya bahagya akong kinabahan.

"Nandoon ka rin, Chantria?!" gulat na tanong ni ate.

"O-oo, ate Hailey."

"Oh my God! Ano bang nangyayari sa mga batang 'to!" sigaw pa ni ate saka pinaandar ang kotse.

Natahimik naman ako at hindi nakapagsalita nang sinimulan niya ang pagsesermon! Parang gusto ko na nga lang mahiya dahil kasama pa naman namin si Jaziel.

"I was there too." singit ni Jaziel sa pagsasalita ni ate.

"Ikaw din?!" si ate Hailey.

"Yeah. But umawat lang ako, like Chantria did. Hindi siya nakipag-away, nadamay nga lang siya." sabi pa ni Jaziel.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now