Chapter 7

98 6 0
                                    

GIFT

SA TAPAT na ata ng salamin ang
pinakapaborito kong parte ng bahay. Gustong gusto ko ding tinititigan ang muka ko. I have a brown tantalizing eyes, curly hair, iyon bang pagkakakulot ng katulad kay Marimar. Maputi at makinis ang kutis ko, mapula ang mga labi ko at ang mga pilit mata ko'y mahahaba, i also have a pointed nose. Mayroon akong isang perpektong muka, at iyon ang mahal na mahal ko tungkol sa sarili ko.

"Chan-chan?"

Nahimasmasan ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Maville. Binubutones niya ang polo niya nang harapin ko siya.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko dito. Simula ata noong maglapat ang labi naming dalawa ay hindi na nawala ang pagkailang ko sa kaniya. Kahapon ay halos hindi ko siya pansinin buong araw dahil sa sobrang hiya at ilang ko sa kaniya. He was asking if i'm mad, I said no. But I don't think he believed what I just said.

"Let's go to the tiyangge later, please?" pakiusap niya saakin. Hindi naman ako umimik at tumango lang sa kaniya. Plano naming magsimba ngayon, fiesta dito sa barangay namin kaya naman nasisiguro ko na punuan nanaman sa simbahan mamaya. Maririnig din ang ingay sa labas ng bahay dahil umaga pa lamang ay nagsasaya na ang mga tao.

Katulad ng lagi kong sinusuot, naka-dress ako papuntang simbahan at nakaheels, while Maville was wearing his white polo and a jeans. Para saakin ay ang baduy ng suot niya, pero hindi ko yun masabi dahil nagmuka lang siyang model habang suot niya iyon. Halos lahat ata ng mga sinusuot niya ay bumabagay sa kaniya. Minsan naiisip ko na baka model talaga siya, nakalimutan niya lang.

"What are you thinking?"

Nagitla ako nang bumulong ito saakin, hindi ko na napansin na nakatulala na pala ako habang nakikinig sa sinasabi ng pari. Ngumiti ako sa kaniya saka umiling, bahagya rin akong lumayo sa kaniya dahil para akong nakukuryente sa t'wing magdidikit ang balat naming dalawa.

Maya-maya pa ay napatingin ako sa kaniya habang nakikinig siya sa sinasabi ng pari. Palihim kong napagmasdan ang perpekto niyang muka, kung krimen lang ang pagkakaroon ng matangos na ilong, malamang ay sesentensyahan siya ng sampung taon.

Aksidenteng tumama ang paningin ko sa labi niya, hinding hindi ko makakalimutan kung gaano kalambot ang labi niya. Ang sarap niyang humalik.

'Ano bang iniisip mo, Chantria?! Mahiya ka naman nasa simbahan ka pa naman!'

Iniiwas ko ang paningin ko kay Maville at tumungo na lang. I bit my lower lip because of embarrassment.

Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang misa. Kaagad naman kaming lumabas ni Maville ng simbahan.

"Wait for me, ako na lang ang pupunta doon. Baka mapagod ka pa eh, dito ka na lang." nakangiting saad nito saka tumakbo. Hindi manlang ako nakapagreklamo.

Paano kung iwan niya ako dito?!

Napailing-iling naman ako, eh ano naman kung iwan niya ako? Kaya ko namang umuwi mag-isa eh.

At gaya nga ng sinabi niya, hinintay ko siya sa labas ng simbahan. Pagkalipas ng limang minuto at bumalik ito habang may dalang echo bag, malamang ay doon nakasilid ang pinamili niya.

"What did you buy?" puno ng kyuryosidad na tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang.

"Tara na, baka hinihintay na tayo nina Kap." aniya. Tinitigan ko muna siya bago marahang tumango.

Napapansing kong sa ilang linggo ng pagtira niya dito sa barangay namin ay nagiging close na rin siya sa mga kapitbahay ko. Lalo na kay ate Lalay. His wounds totally healed. Hindi na siya dumadaing sakin na nahihilo siya, marahil ay dahil iyon sa lagi ko siyang pinapainom ng sabaw ng talbos ng kamote. May mga araw din na pinapakain ko siya ng ampalaya para bumalik lahat ng nawalang dugo sa katawan niya. Masaya ako dahil masasabi kong tuluyan na siyang gumagaling. Ayun nga lang, hindi parin siya makaalala.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now