Chapter 31

69 7 4
                                    

HINDI ko na mabilang kung ilang minuto o oras na akong tulala simula noong malaman ko na sa Manila kami pupunta.

Manila.. Hindi ba doon nakatira si Maville? Nabanggit niya saakin iyon noong nasa ilog kami. Posible kayang.... Nandoon siya? Posible kayang magkita kami?

Paano ko sasabihin sa kaniya lahat? Na may anak na kami? Paano ko siya kakausapin? Paano kung hindi niya matanggap si Hestia? Dapat... Ko pa bang sabihin sa kaniya? Dapat ko pa bang ipakilala si Hestia sa kaniya?

Natatakot ako, natatakot ako na baka ayawan niya si Hestia.

"Hindi na dapat kita ipakilala sa kaniya." bulong ko habang nakatingin sa mahimbing ang tulog na si Hestia.

"Who?"

Nagitla ako nang magsalita si ate Hailey sa tabi ko. Akala ko naman ay natutulog siya.

"W-wala ate." pagsisinungaling ko. Hindi niya naman na ako kinulit at ngumiti na lang.

"We're near Tiarra. I-ready mo na ang sarili mo sa matinding iyakan." paalala niya. Natawa naman ako dahil sigurado akong maiiyak ako kapag nameet ko ang tunay kong pamilya.

"Hindi nila alam na nahanap na kita kaya.. Sure akong masusurprise na sila."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at bahagya pa akong kinabahan. Ano kayang magiging reaction nila? Paano kung hindi rin nila ako magustuhan? Paani kung hindi nila ako tanggapin dahil nagka-anak ako ng maaga?

Mas lalo naman talaga akong kinabahan kaya napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman ko ang pagliko ng van sa kaliwa kaya naman napalingon ako sa bintana.

"This is our village." maya-maya'y sambit ni ate Hailey.

"Nandito na tayo?" nanlalaki ang matang tanong ko. Tumawa naman siya saka tumango.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang may makita akong isang malaking gate na kulay ginto. Katulad ito noong gintong gate kapag papasok ka na sa langit. Tho' hindi pa naman ako nakakita noon sa personal pero nakikita ko lang sa mga pictures. 'Yong tipong doon ka aabangan ni San Pedro.

Maya-maya pa ay biglang tumigil sa pag-andar ang van, bumaba ang mga body guards ni ate Hailey at sila na ang nagbukas ng pinto. Bumungad saakin ang isang napakalaking pintuan sa di kalayuan.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Totoo bang nangyayari 'to? Oh baka naman nananaginip lang ako?

"What are you waiting for, Tiarra? Baba na." sambit ni ate Hailey sa likuran ko. Natauhan naman ako kaya bumaba na kaagad ako dala-dala si Hestia sa aking mga bisig. Ang haba ng tulog ng baby na 'to ah, nagigising lang kapag dedede.

Natulala ako sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Bahay ba 'to? Mansion? Palasyo? Totoo palang may ganito sa totoong buhay. Akala ko sa mga palabas lang 'yon.

"Come with me. Ipapakilala kita sa pamilya natin." nakangiting sabi ni ate Hailey at hinawakan ako sa braso pagkatapos ay marahan akong hinila papalapit sa napakalaking pinto. Muka itong pinto sa mga palasyo.

Bago pa man kami makalapit ay bigla na lamang itong bumukas na ikinagulat ko. Napatigil ako sa paglalakad kaya nilingon ako ni ate.

"'Wag kang matakot, may maid sa loob na nagbubukas niyan." nakangiting paliwanag nito saakin.

"Huh? Paano nila nalaman na may papasok?" nagtatakang tanong ko.

"Maraming CCTV here sa labas, may suot sila na earpiece para magkarinigan silang lahat." paliwanag niya ulit saakin. Hindi ko rin naman naintindihan ang sinabi niya.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now