Chapter 33

75 7 5
                                    

"KUMALMA ka na muna ate." mahinhing saad ko habang hinihila si ate Hailey palabas sa mismong boutique niya. Baka kasi kapag hindi pa siya kumalma ay isa-isa niyang tanggalin sa trabaho ang mga empleyado niya.

Pinagsabihan niya rin kasi ang ilang sales man at sales lady doon tungkol sa ugali nila matapos niya akong ipakilala sa kanila.

"Gosh! Sino bang kakalma sa mga iyon, dapat palitan ko na sila eh." nakahawak pa sa ulong sambit ni ate, mukang stress na stress na.

"I'm so sorry sa inasal noong bruhang 'yon kanina, I didn't know na ganoon pala ang ugali nun. Psh! Kung alam ko lamang ay noon ko pa siya sinesante." paghingi niya naman ng paumanhin saakin.

"Ayos lang naman ate Hailey eh, saka hindi niya naman ako kilala kaya niya ako napagsabihan ng ganoon." ngumiti ako ng peke sa kaniya.

"Girl, kahit na hindi ikaw si Tiarra Chantria Harriet, she should at least respected you bilang customer. Hindi 'yong tatawagin ka pa niyang bitch."

Napanguso naman ako dahil alam kong may punto siya doon.

"Huwag ka nang maawa doon, psh! Kulang pa nga iyong ginawa ko, dapat ay kasuhan ko siya." dagdag niya pa.

"Ate! Huwag na, kawawa naman nawalan na nga ng trabaho idedemanda mo pa." nakangusong hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.

"Hindi ka dapat maawa dun!"

"Eh--"

"Nevermind!! Let's not talk about her, later na lang tayo mamili ng mga damit mo. Let's go to the salon." pagputol niya sa sinabi ko saka naglakad palayo. Tinanaw ko naman sa gilid ko  ang maid na may hawak ng stroller ni Hestia, nang mapansin kong maayos naman ang kalagayan niya doon ay mabilis na akong sumunod kay ate Hailey.

Katulad nga ng sinabi niya ay nagtungo kami sa isang salon na nandito na rin mismo sa loob ng mall. Inasikaso agad kami nang isang beki na nasa loob ng salon.

"Oh! Madam Hailey, you're here! And--- ooh? Who is she? She looks so pretty." papuri nito saakin nang balingan niya ako. Bahagya naman akong nakaramdam nang hiya.

Muka naman siyang nice kaya nginitian ko na lang siya kahit nahihiya ako.

"She's my sister, do everything to make her look like a princess." my sister commanded.

Tumaas ang kilay noong beki at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.

"Kailangan pa ba madam? Eh muka na nga siyang Goddess." napapakamot sa ulong aniya. Sumilay ang ngiti sa labi ko.

"I know right?" sabi ni ate saka sila nagtawanang dalawa.

Pagkatapos nang kaunting kwentuhan nila ay inasikaso niya na kami at nang ilan pang mga beki na empleyado. Pinaupo nila ako sa isang malambot na upuan saka kung ano ano ang ginawa sa buhok ko.

"Ate para saan 'to?" curious na tanong ko kay ate na nasa gilid ko lamang.

"To make your hair shinny and healthy my dear. Hmm, gusto mo bang magpagupit? Lagpas na sa pwetan 'yang buhok mo. And oh, rebond ba gusto mo?" sunod sunod niyang tanong saakin.

Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Rebond? Hindi ba pangstraight yun ng buhok?

"I will miss your curly hair."

Biglang nagsink-in sa utak ko ang sinabing iyon ni Maville kaya bigla na lamang akong napailing.

"Ayaw ko ate, bagay naman sa akin ang curly hair. Tsaka mas gusto ko ay natural." nakangiting tanggi ko sa kaniya. Tumango na lamang siya saka ngumiti saakin.

"Sa bagay, ako nga ay ayaw ring pinapa-straight ang buhok ko." aniya pa.

Hindi ko naman na siya pinansin dahil nakaramdam ako ng antok sa ginagawa nang isang beki sa buhok ko.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now