Chapter 22

53 3 3
                                    

SHEN-SHEN

HINDI agad ako nakasagot sa tanong niya. Nakatingin lamang ako sa sahig habang malalim ang iniisip.

Posible kaya? Posible kaya na buntis ako?

"Chantria?" tawag saakin ni Rhizza at bumalik naman ako sa sariling huwisyo. Naiilang na ngumiti ako sa kaniya saka bumuntong hininga.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako buntis, Rhizza." nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Dapat lang, Chantria. Tandaan mo, 3rd year college pa lang tayo. Hindi na pa pwedeng mabuntis." aniya.

Napatungo naman ako kasabay ng paglunok. Right. Hindi ako buntis. Baka delayed lamang ang regla ko kaya hindi ako dinatnan last month. Bata pa ako kaya normal lang na irregular ang menstruation ko.

Ngumiti ako saka tumango.

"Tama, iyon 'yon." bulong ko sa aking sarili.

But Maville never used any protection when we were making love.

Suddenly my smile faded. Nagsimula nanaman akong mag-isip ng kung ano ano.

What if I'm really pregnant? What should I do? Sasabihin ko ba kay Maville? Paano kung ayaw niya ng anak? Bata pa kaming pareho. Paano kung hindi matanggap ng family niya? Paano kung... Paano kung iwan niya kami kapag bumalik na ang mga ala-ala niya?

Napahawak ako sa ulo ko at dumukdok sa mesa.

"No. I shouldn't be pregnant." naiiyak na saad ko sa sarili.

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay iyon parin ang iniisip ko. Hindi na muna ako pumasok sa trabaho at nagmessage na lamang kay ma'am Shirly dahil masama parin ang pakiramdam ko.

Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ay si Maville agad ang bumungad saakin na mukang kauuwi lang galing sa convenience store dahil naka-uniform pa siya. Kaagad niya naman akong napansin at simple siyang ngumiti saakin.

"Nakauwi ka na pala. Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" tanong niya. Nag-iwas siya ng tingin saka umupo sa sofa. Inihilig nito ang kaniyang ulo sa sandalan ng sofa saka pumikit.

Ngumiti ako kahit na alam ko naman na hindi niya ito mapapansin.

"Mm, hindi na muna. Masama parin kasi ang pakiramdam ko eh." sambit ko. Parang lantang gulay naman na naglakas ako papasok sa kwarto upang magpalit ng damit.

"That's good. Let's go on a date." saad niya mula sa sala.

Nanlaki ang mata ko saka dali-daling naghanap ng magandang dress na pwede kong isuot. Tila nabuhayan ang buong katawan ko at nawala ang sakit na nararamdaman ko.

A date?! Omygosh! Ngayon niya lang ata ako inayang magdate!! Anong kayang nakain niya?! Hmm, saan naman kaya kami magdedate?!

Napangiti ako habang nagbibihis at hindi maitago ang sayang nararamdaman.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong pagpasok ni Maville kaya naman nagkasalubong pa kami sa pintuan. Taas kilay niyang pinasadahan ang kabuuan ko.

"Excited huh?" aniya saka ako nilagpasan. Nakangiting pinagmasdan ko lamang siya habang kumukuha ng damit sa drawer.

"Are you gonna stare at me while i'm undressing myself?" sarkastiko ngunit may halong pang-aasar ang boses niya. Nakangisi niya akong sinulyapan. Nawala naman ang ngiti sa labi ko at agad na umalis doon. Dumiretso na lamang ako sa harapan ng salamin na nasa gilid siyang malapit sa pintuan ng kwarto.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napanguso ako at kalaunan ay napangiti na lang rin. Sinuklay ko na lamang ang kulot kong buhok sa harapan ng salamin.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now