Chapter 40

42 7 5
                                    

ANG sabi ni Rhizza, fill up-an ko na lang daw iyong papel dahil hindi naman daw ako matatanggap bilang SSG Secretary.

Dapat pala hindi ako nagpaniwala sa babaeng iyon.

Heto ako ngayon, sinusulat sa papel ang mga suggestions nila para sa school fair habang nagtatanim ng sama ng loob.

Hindi kasi sila naniwala sa sinabi ko na may anak akong naghihintay saakin. Kasalanan talaga 'to ni Rhizza!!

"Wait, what if magkaroon din tayo ng marriage boot? Omg! Maganda 'yon right?"   pahabol ni Ayannah. Agad ko naman itong isinulat sa papel.

'Tama, kakausapin ko na lang ang president mamaya para tanggalin niya 'ko sa posisyon na 'to.'

"Ano ka, highschool?" pambabara sa kaniya ng isa pa naming kasama, hindi naman siya nagsalita at inirapan na lamang ang babae.

"I think, tama na muna 'yan for today. Go back to your class now, see you next meeting." ani pres.

Wala salitang namutawi sa mula saamin at ingay lamang ng upuan ang maririnig. Handa na sana akong tumayo at ayusin ang gamit ko ngunit narinig nang marinig ko ang sinabi ng president ay natigilan.

"Ms. Harriet, maiwan ka rito." aniya.

Tumaas ang kilay ko at inosenteng tumingin sa kaniya.

"Bakit?"

"I need to talk to you, regarding to your position."

Napanguso naman ako at wala nang nagawa.

"Sis, i'll go first na ha. Me na lang ang magtell sa friend mo. See yah!" paalam ni Ayannah sakin.

Ngumiti na lang ako sa kaniya saka siya kumaway saakin at lumabas ng office.

Saka ako bumaling sa President nang dalawa na lamang kaming maiwan rito.

"You're Hailey and Janziel's sister right?" panimula niya.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

'Paano niya naman nalaman na kapatid ko 'yong dalawa? Hindi kaya stalker 'to?'

Bahagya akong napalayo sa kaniya nang maisip ko iyon.

"Don't get me wrong, they're my friends." walang emosyong aniya kaya napanguso ako.

'Nababasa niya ba ang iniisip ko?'

"Anyway, I won't need you so often. You're lucky, mababawasan ang tasks mo dito sa CIE. Well, it depends on the Vice President." dagdag niya pa.

"May Vice President pa?!" pasigaw kong tanong sa kaniya. Bahagya siyang nagulat dahil sa biglang pagtaas ng boses ko.

"Yes, Ms. Harriet. May Vice President."

Napayuko ako dahil sa pagkapahiya nang makita ang matalim nitong titig saakin.

"As what I told you earlier, I won't need you so often. Si Vice President ang bahala sa'yo. You're his secretary." seryosong saad pa nito.

'Grabe naman sa you're his secretary.'

"Wait lang, eh hindi naman kaya ako pumayag na maging SSG Secretary."

"Hindi ko rin naman alam na kailangan mo pang pumayag."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya saka ako napatayo.

"Lah?! Wala na ba akong karapatan sa buhay ko?!" gulat na tanong ko rito.

"Did I even say that? Oh, right. Wala ka nang karapatan sa buhay mo since you applied to be our secretary."

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now