Chapter 60

4 3 0
                                    

GUSTO kong magtanong. Gusto ko silang tanungin kung anong tunay na nangyari sa kaniya ngunit wala naman akong karapatan.

"Sad to say... Hindi pa nahahanap ang gumawa noon sa kaniya. Imagine, almost 1 year siyang nawala... He even said na nawalan siya nang ala-ala that's why hindi rin agad siya nakauwi saamin. He doesn't deserve this."

Sunod sunod ang naging paglunok ko habang nagpapaulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi nang ginang.

If i'm not mistaken... Halos ilang buwan ko ring kasama si Maville noon rito sa Quezon Province sa kadahilanang nawala rin ang mga ala-ala niya. Halos mapait akong napangiti dahil nangdudugtong dugtong ang mga pangyayari sa isipan ko.

"Hindi pa sila nakontento sa ginawa nila noon sa anak ko't sinundan pa nila."

Muli akong napatingin sa ginang nang sabihin niya iyon. Ramdam na ramdam ko ang pagkunot nang noo ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Kahapon lang ay... May kung sinong pumukpok sa ulo ni Jaziel habang kasalukuyan nilang ginagawa ang aktibidad nila rito. Their president saw it all. Hanggang ngayon ay nasa hospital siya at walang malay."

Mas lalo pa itong nagpabilis sa tibok nang puso ko! Bigla akong kinabahan dahil sa mga nangyari!

"Oh yes, I heard si Tiarra ang partner niya sa activity na iyon. Tiarra anak, did you see everything that happened yesterday? I heard iilang hakbang lamang ang layo ni Jaziel sa'yo nang matagpuan kayong parehong walang malay doon? Hanggang ngayon ay hindi namin malaman kung anong tunay na nangyari dahil kanina ka lamang nagising, samantalang si Jaziel ay hindi pa gumigising."

Nakagat ko ang sariling labi dahil pakiramdam ko ay maluluha ako sa mga naririnig ko. Hindi ko nagawang magsalita, kahit tumingin manlang sa kanila ay hindi ko magawa dahil hindi ko rin naman nakita ang nangyari.
Nakatitig na lamang ako sa mga pagkaing nakahain sa harapan ko at nang sulyapan ko sila ay nasa akin ang paningin nilang lahat.

'All this time I thought iniwan ako ni Jaziel doon sa kakahuyan! Binalikan niya pala ako roon! Kung hindi pa nila binanggit 'yan ay hindi ko pa malalaman. Why didn't Nash tell me about this?'

Hindi ako nakasagot sa kanila dahil naghahalo halo na ang nararamdaman ko. Naluluha ako and at the same time ay nalilito. Gusto kong puntahan si Jaziel sa hospital. Gusto kong tanungin siya ng mga tanong na nabubuo sa isipan ko!

"Ah.. M-mom.. I think we shouldn't talk about that right now.. There is something more important that we must talk about." basag ni kuya Janzel sa katahimikan at sumulyap pa saakin. Ngumiti ito saka muling bumaling sa mommy niya.

"Oh.. Y-yes! Of course! But I'm so sad lang because wala si Jaziel para masaksihan ang engagement ng kuya niya.."

Bahagya ang nagulat ngunit hindi ko ipinahalata sa kanila.

"It's okay, Tita! Jaziel will understand naman." sabat ni Aleyah.

Nagbaba ako nang tingin habang nakakunot ang noo. Hindi ko lubos na maintindihan ang nangyayari ngayon. Ano ang tungkol sa sinasabi nila na engagement?

'Sinong ikakasal? Si ate Hailey?'

Napalingon ako kay ate Hailey saka bumulong sa kaniya.

"Ate... Hindi mo nabanggit saakin na ikakasal ka na pala?" ani ko. Nilingon niya ako saka ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya at halatang pilit lamang.

"Hindi ako ang ikakasal, Tiarra." sambit nito. Nanlaki naman ang mata ko.

"Kung ganoon ay si Aleyah ang ikakasal?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now