Chapter 19

60 8 0
                                    

PICTURE

SINIMULAN namin ang paglalakad sa daan papunta sa ilog. Mabuti na lamang at naka-jogging pants ako kaya naman hindi nagagasgasan ng mga halaman at damo ang binti ko.

"Hoy! Ba't nauuna ka na diyan! Alam mo ba ang daan?" baling ko kay Maville na nasa unahan ko na.

May pa you must stay beside pa siya, tapos iiwan din naman pala ako dito.

"You're so slow." aniya. Napanguso naman ako.

"Madulas kaya ang daan, malamang ay nag-iingat ako para hindi ako ma----"

Natigilan ako sa pagsasalita nang may mapansin ako sa paligid.

"Hindi ka ma--- what?" tanong ni Maville saakin nang mapansin niyang hindi ko naituloy ang sasabihin ko sana.

Ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Dahil nakatingin lamang ako sa gilid ko ng may kaba sa dibdib.

"Hey? What's the problem?" nag-aalalang tanong na saakin ni Maville at akmang lalapit saakin ngunit pinigilan ko siya.

"'W-wag! Diyan ka lang! Huwag kang gagalaw!!" sigaw ko sa kaniya. Halos hindi na rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang ang paningin ay nasa gilid ko parin.

"Why are you stuttering?" si Maville.

Hindi ako nagsalita, ngunit isinenyas ko sa kaniya ang ahas na kanina pa nakataas ang ulo habang nakatingin saakin! Mukang ready na siya manuklaw!!

Kanina pa kami nagtititigan dito!

"What is tha--- what the fuck?!" gulat ring reaction niya.

"M-Maville... A-anong gagawin ko? N-nakatingin siya saakin." naiiyak na ani ko.

"Chantria, listen. Do not come here! Bumalik ka roon, naiintindihan mo?" sambit niya saka dahan dahang kinukuha ang patpat na malapit sa kaniya.

Sinubukan kong gumalaw ngunit sumusunod ang ulo ng ahas saakin! Naiiyak na ako sa kaba! Cobra pa naman!

"Huhu! Lumalabas ang d-dila niya." naiiyak kong saad. Napalunok ako ng bahagya itong gumalaw.

"Tumakbo ka na pabalik doon, Chantria!" utos ni Maville saakin. Ngunit sa halip na tumakbo ako pabalik ay mabilis akong tumakbo papalapit kay Maville!

"Shit! Chantria!" sigaw ni Maville.

Nilagpasan ko siya dahil sa sobrang kaba! Sa sobrang bilis kong tumakbo ay ako agad ang unang nakarating sa ilog!

Hinihingal ako habang nakahawak sa magkabilang tuhod ko nang makalapit saakin si Maville! Mukang tumakbo rin siya dahil pareho kaming naghahabol ng hininga!

"My God! Chantria! Sabi ko ay tumakbo ka na pabalik! Pababa ang daan, what if dumiretso ka diyan sa bangin at nahulog ha?!" sigaw niya saakin.

Napanguso ako.

"Mas okay nang mahulog diyan sa bangin kaysa matuklaw ng ahas!" sigaw ko rin sa kaniya. Marahas siyang napabuntong hininga saka ako hinila at niyakap ng mahigpit!

Natulala naman ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. Dumagundong nanaman ang tibok ng puso ko!

"Fuck! Nag-alala ako sa 'yo!" aniya pa.

"Ano 'yang my love, my love na 'yan?! Sinasabi ko na nga ba at magkaka-inlove-ban kayong dalawa! Nako!"

"H-hindi naman kami i-inlove."

"Sus itatanggi mo pa! Halata naman kay Maville na mag gusto rin 'yon sa 'yo! At ikaw? Indenial ka!"

Natigilan ako nang bumalik sa ala-ala ko ang nagpag-usapan namin kaninang dalawa ni Rhizza.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now