Chapter 5 Akala ko Taken

237 15 4
                                    



"Nanay Lita una na po ako!" dali kong ininom ang juice at tumayo na ako mula sa dining table dahil malalate na ako. 8:30 pa ang class ko.


"Abigail teka lang." then biglang may inaabot sakin si nanay Lita. "Nakalimutan daw to ni Rafael at kelangan niya sa presentation niya mamaya. Pakibigay na lang sa kanya anak."


"Sige po manang." then kinuha ko na yung USB "Una na po ako."


Habang nagdadrive ako tinawagan ko si Raffa.


calling Raffa Bro


"Hello Gail?" hinihingal niyang sagot sa tawag ko.


"San ka ngayon?Na sakin na ang USB mo."


"Basketball practice. Hintayin mo na lang ako sa parking lot." tapos biglang may tumatawag na sa kanya sa kabilang linya coach nila ata.


"Sige tawag ka na lang ulit Gail pag nasa parking lot ka na ha? Puntahan kita. Tawag na ako ni coach eh." then he ended the call. Haynaku! Well he's a varsity player sa college nila. I heard he was the center. Madami kasi akong nasagap na chicka kahapon kina Sky at Mika dahil kadamihan ng professors namin eh wala naman.

As I pulled in the parking lot I just missed called Raffa para di makaistorbo at tinext ko siya na andito na ako.


"Destiny ba to? Hi bookworm." then he smirked at me. Destiny nga ba to?


"Sinusundan mo ba ko? Araw araw na lang tayong nagkikita ah?" I raised one of my eyebrows at him. Diba totoo naman? Sa coffee shop sa airport pagdating ko pa lang, then racing kahapon and today dito sa parking lot?


"Well get you hopes up more bookworm but dito rin ako nag-aaral." then he winked at me.


"Really? Then sige mag-aral ka na." then I dialed Rafa's number again.


"Asan ka na?" tanong ko sa kanya ng sagotin niya ang tawag ko.


"Hey babe papunta na kami jan." si Matt ang sumagot.


"Babe bilisan niyo na, I'm running late already." then I looked up to see PJ with a curious expression on his face. Di pa pala umaalis.


"Okay coming. Andito na." at ayun na nga silang dalawa. Lumapit agad ako sa kanila.


"Hi babe! Ligo kayong dalawa pagkatapos ng practice niyo ang baho niyo na!" then tinakpan ko ang nose ko kunwari.


"Babe I know you love my smell kahit pawisin pa ako." then he trapped me in his embrace.


"Tama na nga yan. Akin na yung USB Gail at malalate ka na." then binigay ko sa kanya agad. "Oy PJ anjan ka na pala! Lagot ka kay coach pare."


"Sige Raffa, babe. Una na ko late na ko." then naglakad na ako agad papuntang building namin after giving PJ an awkward smile. Grabe kasi kong makatingin.


Matt's POV


"Pare girlfriend mo yon? Akala ko ba si Lian ang girlfriend mo ngayon?" tanong agad sakin ni PJ. I know by the way he looks at Abby a while ago na interestado siya sa kanya.


"Oo pare girlfriend ko yon. At si Lian? Oo girlfriend ko rin haha!" tawa ko. Di ko mapigilan matawa sa reaksyon niya.


"Pare akala ko playboy ka lang, di ko naman alam na two timer ka rin pala." pag- iling iling niya. "Kawawa naman si bookworm."


"Bookworm?" tanong naming dalawa ni Rafa na kanina pa nagpipigil ng tawa dahil sa pang-ttrip ko kay PJ.


"Oo yung girlfriend mo kanina. Ano bang pangalan niya?" the look of interest on his face. Tsktsk.


"Ace Abigail Vergara pare. Bakit?" pagsagot sa kanya ni Rafa.


"Wag ka nga mangtrip pare. Diba pangalan yon ng kapatid mo. Ano nga pangalan nun?"


"Eh yun naman kasi yung kapatid ko pare. Yun si Ace." natatawang sagot ni Rafa.


"At tino two time mo pare?" pagtingin sakin ni PJ.


"Oo pare wala naman kasi yon sa kanya." I shrugged my shoulders and started walking.


"At pumapayag ka naman na gawin sa kapatid mo yon ni Matt pare?" parang di makapaniwala niyang tanong kay Rafa.


"Okay lang naman pare." at nag-appear kaming dalawa ni Raffa. That's PJ Zamora and team captain namin sa Engineering Department basketball team. Sometimes he's slow but minsan lang yan magsalita.

Di ko ngarin alam kung bakit salita ng salita to ngayon at naging interesado sa lovelife ko. Sa pagkakaalam ko ang isa sa mga motto in life niya is "Mind your own business." Maybe he's really that interested with my babe. Hahaahah!


RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon