Chapter 48- Fight of the Century

103 5 0
                                    

"Ano bang nangyayari?!" tanong ko uli sa kanilang dalawa.

"Kai ano na naman ba to? Akala ko ba nag-usap na tayo?!"

"Patt ba't may ganito? Ba't niyo ako pinagpupustahan? Alam mo naman ng ayoko sa mga ganito?!"

Pero wala paring sumasagot sa kanilang dalawa.

"Patt ano bang nangyayari? Diba sinabi ko na sayo na ikaw lang? Mahal kita alam mo yon!" di ko na napigilan at napaiyak ako.

"Talaga lang ha?"

"Ba't ba ayaw mo akong paniwalaan?!"

"Kasi hindi ko alam kung hindi ka na naman nagsisinungaling sakin!"

"Ano ba talaga ang problema? Ano ba ang ginawa ko at nagkakaganyan ka?!"

"Hindi mo alam?!"

"Hindi ko alam! Kaya ko nga tinatanong diba?! Para mapag-usapan natin to!"

"Tinext kita! Kung natutulog ka na at ang sabi mo oo patulog na po! Pero ano kasama mo to?!" sabay tulak niya kay Kai! Oh God!

"Patt ano ba! Aaminin ko nagkita kami pero para lang yon mag-goodbye na sa isa't isa! Ikaw ang mahal ko at hindi na siya!"

"Tinatawagan kita! Pero hindi mo sinagot! Andon ako Ace...andon ako pinapanood ko kayong dalawa!"

"So sinusundan mo na rin pala ako ngayon?!"

"Hindi! Pinapunta ako don ng ugok na to para panoorin kung paano kayo nagkabalikan! Tapos sinasabi mong mahal mo ako?!" sigaw niya sakin! Nagkabalikan?! Kami?!

"Ano bang sinasabi mo?! Ikaw lang ang mahal ko! At kaya ako andon magpapaalam na daw si Kai sa akin."

"Ba't di mo sinabi sakin?! Ba't di mo sinagot yung tawag ko kung wala kang ginagawang masama?!"

"Natatakot ako na magseselos ka. Aalis na daw siya kaya pinagbigyan ko na." pagyakap ko sa kanya.

"Hindi ko alam."

"Ano ba kasing sinabi mo?! Akala ko ba tapos na satin lahat? Sinabi ko na naman sayo diba na si Patt na ang mahal ko! Ba't mo ba ginawa yon?!" pagharap ko kay Kai.

Pero hindi man lang nagsalita.

"Oh ba't ayaw mo magsalita ngayon?" sabay tulak sa kanya ni Patt.

"Patt!" sinutok siya bigla ni Kai.

"Akin lang si Ace! Akin lang siya!" sabay suntok pa niya uli.

"Kai ano ba!" sabay tulak ko sa kanya.

"Akin ka lang!" sabay yakap niya sakin ng mahigpit.

"Layuan mo ang girlfriend ko Raymundo!" higit sa kanya ni Patt sabay suntok.

"Ano ba?! Manunuod lang ba kayo?! Di niyo ba sila aawatin?!" sigaw ko sa mga tao na nanunuod lang habang nagsusuntokan na ang dalawa.

"Tang*na mo Raymundo! Ito ba ang paraan mo kung paano mo aagawin si Ace?!"

"Tumigil na kayo!" sabay pagpahiwalay ko sa kanila kaso hindi ko makaya.

"Sana mamatay ka na lang! Bakit ka pa kasi dumating sa buhay namin ni Ace?!"

Wala paring umaawat sa kanila. Ano ba?!

"Tulong naman jan! Tumigil na kasi kayo!" nakakakita na ako ng dugo!

"Kuya! Raffa! Tulungan niyo ako!" sigaw ko pagkakita ko sa mga kabarkada ko at sa mga kapatid ko na tumatakbo papunta samin.

"Ano ba! Tumigil na kayong dalawa." sabay pag-awat nila sa kanilang dalawa.

Napaupo ako dahil nawalan na ako ng lakas sa kakasigaw at pag-awat sa kanilang dalawa.

"Ace! Ace! Okay ka lang ba? Andito na kami bestie! Ace! Ace!" Yun lang yong huli kong narinig dahil naging black na lahat ng paligid.

Ang huli kong nakita ay ang mukha ni Patt na sobra ng puno ng pasa at dugo. Patt....

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon