"Gusto mo muna pumasok? Magkakape lang uli~" natatawa kong sabi.
"Sige pero pass muna ako sa kape baka ma-overdose na ako niyan." Tumatawa rin siya. "Nagtext rin kanina si Raffa sakin, may pag-uusapan daw kami. "
"Ah ganon ba? Gusto mo samahan kita?"
"No it's okay. Diba mag-uusap pa kayo ni dad?"
"Aba? Nakiki-dad ka na rin ha?"
"Sabi niya dad na lang daw eh."
"Oo na sige na po. Tara?" sabay pasok namin ng bahay.
"PJ dito tayo pare." tawag sa kanya nina Raffa at ang barkada mula sa sala.
"At ikaw punta ka daw kay dad." Turo sakin ni kuya Seb.
I just nodded in response. I looked at Patt para sabihin na punta na ako sa taas. He just nodded.
"We'll be fine. Basta kahit ano man ang sabihin nila in the end it's our decision that will matter." I saw how he looked nervous dahil napaka-intimidating tumingin ng mga kaibigan ko.
After I hugged him to comfort him. I went upstairs to meet my dad, we really have a lot to talk about.
Patt's POV
"So pare explain." pinaupo nila ako sa harapan nilang lahat. Parang interview lang.
"Paano naging fiance mo ang utol ko?" "Paano naging kayo?" "Akala ko ba pare hang-out buddies lang?" "Kelan mo pa siya niligawan?" sabay sabay nilang tanong.
"Hep! Isa-isa lang guys. We all want an answer pero hinay-hinay lang. Masasagot naman ni papa PJ lahat." pag-awat ni Sky sa kanila.
"Ako muna. Paano kayo naging mag-fiance? Nagpropose ka agad pare?" tanong ni Matt.
"It's arranged by our parents guys. Hindi ko pa man kayo kilala dati eh alam ko ng fiance ko si Ace, but I didn't know her. I never got the chance to meet her."
"Okay. Next!" sigaw ni Sky.
"Akala ko ba pare hang-out buddies lang eh ba't kayo na ngayon?" si Raffa.
"Sorry pare, pero hindi ko napigilan. Hindi kasi mahirap magustuhan ang kapatid niyo. Basta nahulog na lang ako sa kanya."
"Niligawan mo pero di ka man lang nagpaalam saamin?" si Nate.
"Akala ko nung sabihin kong gusto ko siya ay nanliligaw na ako non. Hindi ba ganun yon?"
"Ang labo mo pare. Hindi ganon yon dapat tinatanung mo muna."
"Nangyari na ang nangyari. At least ngayon sila na ni bestie diba? Masaya na uli ang bestie ko. Maging masaya na lang tayo para sa kanila." minsan nakakatulong din naman tong si Sky. Kagaya ngayon, I'm relieved he's helping me.
"I know you care for her very much. And I care for her too just like how you all do. I won't do anything that could hurt her."
"Sinabi na rin saamin yan dati pero sa huli hindi naman napanindigan." si Seb.
"I know. Pero iba ako sa kanya. I promised myself na kung may mamahalin man ako. Yon na yon at wala ng iba."
"How can you prove it na iba ka nga?"
"Iba siya kuya." biglang pagdating ni Ace. Giving me a sorry look. "Iba siya."
"Paano mo nasabi? Alam mong ayaw ka namin masaktan Abby." si Nate.
"Ikaw na kuya Nate ang nagsabi mga tingin pa lang niya, bigay na bigay na. He loves me at sigurado ako don." she defended me. This is why I can't doubt that I really love her.
"Pero mahal mo ba siya?"
"Unexpectedly yes. Mahal ko siya. Mahal ko si Pattrick."
"We trust you Abby. And we will trust you too PJ. Take care of our sister." sabi ni Raffa.
"Oo nga pare. Kahit magkaibigan pa tayo, kapag sinaktan mo si babe ko. Alam mo na."
"Alam ko. I know how you all love her. Kahit hindi man ganon katagal ang pinagsamahan namin kumpara sa pinagsamahan niyong lahat, I love her as much as you all do at baka sobra pa."
"Hahahaahah! Grabe ang acting niyo guys! Pwede na kayo sa best group actors award!" pagtawa nilang lahat. What? Trip trip lang lahat yon?
"Seriously hindi ko alam pano natin nagawa yon! Grabe din si babe kung maka-unexpectedly yes. Hahahaah! Laftrip ka pre!"
I'm speechless. Kinabahan ako sa wala?
"We know you PJ and we trust you. Alam naming sumumpa ka na ang unang babaeng mamahalin mo ay yon na yon. We just tested if may gagawin si Ace para patunayan samin na talagang mahal ka rin niya."
"I'm speechless." pag-upo ni Ace sa tabi ko. "Alam niyo ba kung paano ako nagmakaawa kay dad na pababain ako rito? Akala ko lalapain niyo na ang boyfriend ko ng buo sa mga tingin niyo kanina."
"That is what our act was all about pare. Kung ano ang gagawin mo para sa kanya kung mahal mo nga talaga siya."
"Mga ulol kayo!" batok niya kina Raffa.
"Basta on a serious talk. PJ, you take care of her. Don't even think of hurting her. Madami ang magiging kaaway mo pag sinubokan mo yon."
BINABASA MO ANG
Restart
Altele(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥
