"So guys be nice to him okay?" paalala ko sa mga kapatid ko at sa mga kabarkada ko. Pati si Patt na sinamahan akong magpaliwanag sa mga to na darating rito sa bahay si Kai.
Lahat sila nag-thumbs up maliban kay Kuya Seb.
"Kuya please try to be nice to him. Ngayon lang naman eh, it's for our project."
"Ba't ba kasi siya kasama sa group niyo? Nakalimutan mo na ba ang lahat ng nangyari dahil sa kanya?"
"Wala nga kasi siyang kapartner kaya samin ni Patt pinasama. At hindi naman kami magbabalikan kuya school project lang to at wala na."
"At Hindi ka naman nagreklamo na sa group niyo siya nilagay?"
"Kuya we protested pero di pumayag si Miss Valdez. Alam mong wala na kami at natuto na ako kuya hindi na ako babalik sa kanya so don't worry."
"Siguraduhin mo lang Abigail. Ayoko lang naman na masaktan ka ulit."
"I know kuya." I hugged him.
*beepbeep*
Biglang natahimik ang lahat. Anjan na siya. Ano ba to? Ba't ba ako pinagpapawisan? Group project lang naman to ah?
"Relax lang." pagyakap sakin ni kuya Nate. "Mas di ka pa mapakali kesa kay Seb eh."
"Okay kuya. Basta help me make them all comfortable ha?" bulong ko sa kanya.
"Okay don't worry ako ang bahala. Basta relax ka lang."
At pumasok na si Kai with an awkward look on his face dahil lahat kami nakatingin sa kanya.
"Hi bro! Namiss ka namin pare." pagyakap sa kanya agad nina Jared at Matt.
"Hi guys." pagngiti niya sa kanilang lahat. Then it became silent again.
"Ay para namang di naman natin kabarkada ang bisita. Wag na nga tayong magkahiyaan pa..tara sa garden tayo." I smiled at Sky para magpasalamat sa pagtulong. "Kuya tara." pag-imbita niya sa kuya niyang si Kai.
"So let's start this video. Raffa set up the camera for them." utos ni kuya Seb kay Raffa paglabas namin ng garden. Nakapoker face parin. Bad mood lang ba talaga to?
Patt's POV
"Hi guys! Welcome to my life." pag-ngiti ni Ace sa camera. Napapangiti rin ako habang kinacamera siya.
"This is our house." sabay camera ko sa bahay nila.
Ako ang responsible for the camera today dahil si Kai ang mag-iintroduce kay Ace.
"And this are my two brothers Raffa and Seb. Say hi to camera!"
"Hi." pagngiti nila. Sinusunod ko lang ng sinusunod ang camera kung saan pupunta si Ace.
"This are my friends, my family." sabay kaway nilang lahat.
Mukha talaga silang pamilya.
"Hoy Patt ilagay mo na sa stand yang camera at kumain na tayo masyado mo naman atang sineryoso ang pagiging cameraman mo jan." si Raffa.
At umupo na ako katabi si Ace. Dito daw kami kakain sa labas para maiba naman.
"Ace ito oh." abot ko sa kanya ng hipon. Paborito ko to.
"Allergic siya jan. Ito na lang." sabay bigay niya ng roasted chicken kay Ace. "At ang favorite part niya is yung wings."
"Allergic ka sa hipon. Noted." then I winked at her.
"Ang saklap diba? Kaya wag mo akong pakainin niyan ha? Baka magaya ako sayo." natatawa niyang sabi.
Naalala ko tuloy. Pffft.
"Okay lang kumain ng fishball basta aalagaan mo uli ako." sabay batok niya sakin.
"Talaga inalagaan mo siya bestie? Kelan ka pa natuto?" di makapaniwalang tanong ni Sky sa kanya.
Nagkatinginan lang kami ni Ace.
"HAHAHAHA!" sabay naming tawa.
"Kung andon lang kayo. Laftrip talaga. Hahhaha!" pag-apir sakin ni Ace.
"Kahit hirap na nga akong huminga eh kelangan ko pa siyang turuan at iinstruct ang lahat ng dapat niyang gawin, grabe kasi ang panic niya." I smiled at her.
"Wow! Magkasundong magkasundo na nga kayo." manghang sabi nina Matt at Raffa.
"Kala ko ba para sa project to?" singit ni Seb.
"Sumasadline lang ng chicka kuya. Laftrip kaya non." tumatawa parin si Ace.
"Oo nga doon nga inamin sayo ni PJ na...I like you~"
"Ulol!" batok ko kay Raffa. Ayan nahiya tuloy si Ace.
"So Kai ano pa palang kailangan niyo iintroduce tungkol kay Ace?" pagsisimula ni Nate ng usapan tungkol sa project.
"Ano pa ba kailangan niya malaman eh alam na niyang lahat tungkol kay Abby pati nga allergy alam na niya. Diba babe?" tanong ni Matt kay Ace.
"Ha? Ah Oo. Pero para naman to sa project eh hindi para sa kanya." sagot ni Ace.
"Oo nga pala...project lang pala to hindi reminiscing the past."
"Sige na kumain na kayo at para mavideo niyo na rin yung tungkol sa racing para matapos na to." Bad mood ata si Seb. Rinig ko eh, bumalik kasi yung ex niya kaya sensitive siya ngayon.
"Racing?" biglang singit ni Kai.
"Yeah...Racing, my new sport." sagot ni Ace.
"Di ba delikado yan?" nag-aalala niyang tanong. Why does he have to act like he cares kung masasaktan siya? Sinaktan nga niya siya dati eh.
"Lahat naman delikado but I'm happy doing it, so it's worth the risk. Diba Patt?" she smiled at me.
"Naman!" Apir ko sa kanya.
Biyotchii ♡♥

BINABASA MO ANG
Restart
Random(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥