Patt's POVI went there na umaasang aamin siya at wala naman talaga siyang ginawa na masama pero I still can't believe she lied to me again. Kung wala talaga ba't niya kailangan itago pa sakin?
Pumunta na lang ako sa basketball court. This is the place where I always relieve my stress.
Pero naabotan ko si Raymundo don kasama ang mga teammates niya.
"Oh ba't andito to?" sabi niya agad pagpasok ko pa lang.
"Baka naman natatakot matalo kaya gustong panoorin mga moves natin pre." sabay tawa nilang lahat.
"Talo na naman yan eh." I know what he's trying to say. Alam ko talo na ako sa kanya kay Ace pero hindi ko siya isusuko. Hinding hindi.
"Kawawa naman pre. Mukhang malungkot~"
"Talaga! Malungkot yan dahil alam na niyang talo na siya sa simula pa lang." sabay apir niya sa teammate niya.
I just looked at him.
"Pre pagbigyan mo na, isang round lang naman."
"Sige ba. Ang unang maka five points sa kanya si Ace." sabay pass niya ng bola sakin.
"You should keep your word Raymundo. Kapag nanalo ako layuan mo na si Ace."
"At kapag nanalo ako, ikaw ang lumayo. Deal?"
Alam ko mang pwede akong matalo gagawin ko parin to basta mawala lang siya sa buhay namin ni Ace.
"Deal."
Ace's POV
"Dali baka matapos na yon! Tingnan natin yung mananalo!" sabay takbo ng mga babae papunta sa court.
Ano bang nangyayari? Kaya nakitakbo na rin ako.
"PJ! Kaizer! PJ! Kaizer! PJ! Kaizer! PJ! Kaizer!" Ano?! Kaya napatakbo ako agad pagkarinig ko ng sigawan ng mga tao sa court.
"Sino bang mananalo sa puso ni Ace Abigail Vergara? Si Zamora ba o si Raymundo?" rinig kong sigaw ng announcer. Ano bang nangyayari?!
Pagkapasok ko kitang kita ko kung paano nagkakagulo ang mga tao habang nagbabasketball si Patt at si Kai.
"Oh andito na pala si Ace!" sigaw ng announcer ng game nila! At sigawan na naman yung mga tao.
Napatigil ang dalawa sa pagbabasketball. Nakita ko kung paano kapagod at pinagpapawisan ang mga mukha nila.
Dumiretso ako sa gitna nilang dalawa.
"Ano ba to?!" I asked them. Ano ba kasi?! Bakit may ganito?
Kaso hindi man lang nila ako sinagot.
"Pinaglalaban nila kung sino talaga ang dapat piliin mo!" sigaw ng announcer.
"Shut up!" sigaw ko sa kanya sabay higit ng kamay ng dalawang lalakeng to papunta sa labas ng court.

BINABASA MO ANG
Restart
De Todo(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥