"Paborito mo ba rito?" tanong agad sakin nitong PJ na to.
"Oo." sagot ko at umupo na sa usual spot ko sa La Crema.
"Ako rin." sabi niya habang umupo narin sa tapat ko.
"Hi Abigail! Aga natin ngayon ah?" bati sakin ni Kate, ang anak ni nanay Lita. Waiter siya rito.
"Musta na? Naku may nangtrip kasi sakin ng sobrang aga kaya ito, 6 A.M. pa lang eh nandito na ako." pag-irap ko sa kaharap ko.
"Mabuti naman. Naku ang aga namang mang-trip non at sinira ang pinaka-iingatan mong tulog?" nakangisi niyang tanong habang nakatingin kay PJ. "Oh PJ ba't ang aga mo rin? May nangtrip din ba sayo?"
"Hi Kate. Wala naman napaligo lang naman ako ng sobrang malamig na tubig kaya napa-aga din ako." pag-ngiti ni PJ sakin.
"Napaligo o may nagpaligo sayo?" natatawang tingin sakin ni Kate. Kilalang kilala nga niya ako kahit nung bata pa kami. Alam na alam niya kung ano may ginawa ba akong masama oh may problema ako. Haynaku. "Anong order niyong dalawa?" tanong niya samin.
"Yung usual." sabi ko sa kanya.
"Yun parin hanggang ngayon? Di ba pwedeng iba naman?" sabi niya habang nakatingin kay PJ tapos sakin.
"Mas maganda na yung nakasanayan para hindi complicated." sagot ko.
"Pero malay mo mas maging masaya ka sa bago kesa yung nakasanayan na diba?" tanong niya uli sakin.
"Hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handa para sumubok ng bago. Yung usual parin muna Kate." sabi ko sa kanya "And that's my final order."
"Okay madam until your ready. And ikaw naman sir?" tanong niya kay PJ na kanina pa nakatingin samin ni Kate na parang may gustong itanong.
"Pagkain pa ba yung pinag-uusapan natin dito?" tanong niya samin ni Kate.
"Malamang." sagot namin ni Kate.
"Ah akala ko iba na eh. Sige ako rin yung usual." sabi niya kay Kate.
"Oh sige." sagot ni Kate habang isinusulat ang order namin.
"Di mo rin ba itatanong kung gusto ko rin ng iba?" tanong ni PJ.
"Hindi naman. Bakit gusto mo ba ng iba?" natatawang tingin sakin ni Kate.
"Ah hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit siya tinanong mo ako eh hindi." inosenteng sagot ni PJ
"Ah ganon ba. Sige next time tatanongin rin kita." natatawang sagot ni Kate kay PJ. Napaka-slow talaga ng mokong na to. "Sige wait lang kayo for your orders guys." then she left.
"What does PJ stands for?" bigla kung natanong sa kanya.
"Ah yun ba? Pattrick John, ang haba kaya PJ na lang." sagot niya.
"Patt. Nice name." kung tatawagin niya akong Ace gagawa rin ako ng pangalan niya para quits kami.
"Yeah. So Ace where did you learn to drive like that?" he eyed me suspiciously.
"Sa California. It turned out to be my passion to race when a guy challenged me to do it." then I remembered Nicolai Atkins. He's the guy who challenged me. Siya ang una kong naging kaibigan don.
"At yun ba ang boyfriend mo?" tanong niya. Grabe ang interest sa mukha niya.
"Oo. Naging boyfriend, pero it didn't worked out. We're better off as friends." nagtry akong magmahal uli pero wala eh. Wala akong maramdaman kahit ano parang naging manhid ako. Kaya para di na lumala pa ang sakit na madudulot ko kay Nico ay nakipag-break ako agad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Restart
De Todo(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥