Chapter 21- His Jealousy

205 6 3
                                    

Thanks to Nhasmiin_BU for the cover she made for me. I really appreciated it ganda. :))) Hope na di ka magsawa sakin at sa story ko.
- - -
Kai's POV

"So sila na nga?"

"Oo nga. Hinatid nga siya ni PJ sa classroom namin kanina sa major. Nakakakilig sila no?"

Kanina pa sila bulungan ng bulungan rito sa likod ko habang natutulog sa ilalim ng puno. Kainis!

"Grabe ang swerte nung Abigail na yon no? Biruin mo... ang kulit daw ng PJ pag siya ang kasama?"

Abigail? PJ? O_O

"Sinong Abigail?" pagharap ko sa dalawang babaeng napasigaw dahil sa gulat na may iba pa palang tao rito.

"Sinong Abigail?" tanong ko ulit sa kanila.

"H--ha? Abigail?" naguguluhan nilang tanong din sakin.

"Sinong Abigail ang pinag-uusapan niyo? Si Abigail Vergara ba?"

"O..ohh." sabay nilang sagot.

Sila na nung Zamora na yon?! No it can't be. Mahal pa ako ni Ace. Mahal niya pa ako.

"Sige una na kami Raymundo. Sorry ha at nadistorbo namin ang tulog mo. Sorry talaga." at tumakbo na sila papalayo.

Then nakita ko si Ace sa di kalayuan na papasok ng cafeteria. Siya mismo ang tatanongin ko para maliwanag. Hindi totoo ang sinasabi ng mga babaeng yon kanina. Hindi pwede.

Ace's POV

Cafeteria~

"Ace."

"Oy Kai." pagngiti niya ko sa kanya kahit pilit lang yon. "Kakain ka rin?"

"Totoo bang kayo na nung Zamora na yon?" tanong niya agad sa sakin.

"H--ha? San mo ba narinig yan?"

Ang bilis naman kumalat ng balita?! OMG! What am I gonna do?

"Kalat na sa university. Kayo na ba talaga?"

Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig magpapaligoy ligoy.

"Oo."

"Bakit?" Naiinis niyang tanong.

"Anong bakit?" inis ko ring sagot.

"Bakit kayo na?"

"Kasi mahal ko siya?" nakakairita na siya. Kung hindi ko lang alam na may girlfriend siya iisipin kong nagseselos to.

"Talaga? Mahal mo na siya?"

"Anong order mo miss?" pagsingit bigla nung tagaserve ng food.

"Baked Mac and Coke, 2 orders." pag-order niya agad sa favorite naming snack na dalawa. "I'll pay for hers too."

"No need ito po ang bayad ng akin." pag-abot ko ng bayad ko. Kahit dare lang ang samin ni Patt maguiguilty parin ako kung hahayaan kong si Kai ang magbayad para sakin.

"May girlfriend ka naman pare diba? Siya ang ilibre mo." Biglang pagdating ni Patt na inaabot ang 500 peso bill sa kahera.

"Ito po ang bayad nang pagkain ng girlfriend KO." ramdam ko ang pag-emphasize niya na girlfriend niya ako. Napangiti ako ng di ko namamalayan. Girlfriend niya daw ako.

"Ang gulo niyo. Nabayaran na niya kaya next time mo na lang ilibre ang girlfriend MO." pagsingit uli ni Ms.Kahera. "Doon na nga kayo at marami pang customers sa likod niyo."

Kinuha agad ni Patt ang tray ko at hawak agad sa kamay ko papuntang table ata nila. Tumingin ako uli sa direksyon ni Kai at nakatingin rin siya sa amin.

Bakit ba siya ganyan?!

"I'll let it pass today. Kahit alam kung dare lang ang meron tayo... sana isipin mo rin ang iisipin ng ibang tao kapag nakita ka nilang nagpapalibre sa ibang lalake Ace."

"Alam ko naman yon Patt. Pero naunahan niya na akong magbayad eh...Ano pang magagawa ko? Sorry."

Alam kong nabastos siya dahil hinayaan kong si Kai ang magbayad sakin kahit alam na ng lahat na boyfriend ko na siya.

"I know. Just don't let him pay for you next time. Kung gusto mo kumain sabihin mo lang sakin at bibilhin ko yon para sayo. Ako ang boyfriend mo diba?"

Kung ako rin naman ay masasaktan ako dahil may ibang gumagawa ng bagay na dapat ako ang gumagawa para sa boyfriend ko.

"Oo na alam ko naman yon. Sorry if I ever hurt your man's pride Patt." then I smiled at him sincerely.

"Sorry rin at ginawa ko yon even if this is just a dare."

"Let's not think about the dare already.Let's just try to have some fun with each others company."

"Okay then. The dare's off. Let's just enjoy each others company from now on." tapos pinaupo niya ako sa table nila nina Raffa.

"Good."

"Pero girlfriend parin kita ha?"

I just sighed para matapos na. Hindi ko rin alam ang dapat isagot don sa tanong niyang yon.

"Okay. Edi tayo parin." tapos bigla na lang niya akong sinubuan.

"Mmmm~~~" Kami parin. period.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon