"Saan ka ba nanggaling? We were so worried." pagyakap agad sakin nina kuya pagpasok ko pa lang ng pinto.
"Wala nagpahangin lang." sagot ko sa kanya.
"Grabe ka naman magpahangin Gail. May aircon ka naman sa kwarto. Pinag-alala mo pa kami." pag-gulo ni Raffa sa buhok ko.
"Oo nga pala no? Nakalimutan ko. Next time sa aircon na ako magpapahangin." pinipilit kong tumawa kaso lumabas lang na fake.
"Nakahinga ka naman ba?" tanong ni kuya Seb. Just by the look in his eyes I know what he really means.
"Oo naman kuya. Nakahinga ako ng maluwag kahit konti." pagngiti ko sa kanya.
"Ba't ka ba niya inaway kanina?" tanong niya.
"Wala. Wag na nating pag-usapan ang babaw lang naman ng dahilan niya. Tsaka okay na ako kuya." I assured him.
"Sure ka ba ate?" pagyakap sakin ni Raffa.
"Oo bunso. Wag nga kayo! Ang cheesy na natin. Eehhhw~~~" nandidiri kunwari ang peg.
"Basta kung may problema... next time sasabihin mo samin. Di yung ganito nagpahangin ka lang ginabi ka pa. Nag-alala kaya kami sayo."
"Oo na sa aircon na ko magpapahangin next time tsaka may kasama naman ako kanina." joke ko para sumaya naman ang atmosphere. Ayoko sa mga seryosong usapan.
"At sino naman ang kasama mo? Lalake ba? Ba't di mo sinasabi samin. Mabait ba? Kilala ba namin?" sunod sunod na tanong ni Raffa.
Kaso bago pa man ako makasagot ay biglang may pumasok. "Ace I forgot something." biglang pasok ni Patt sa loob.
"Siya yung kasama mo?" sabay na tanong nina Raffa at Kuya Seb.
"Oo." "Hindi" sabay naming sagot ni Patt.
"Pinagloloko niyo ba kami?" sabi ni Raffa.
"hindi" "oo" sagot namin uli ng sabay.
"Ano ba talaga?" si kuya Seb na nakatingin sakin.
"Oo kuya. Sinamahan ako ni Patt na magpahangin." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa floor.
"Patt?" sabay nilang tanong na dalawa.
"Siya." turo ko kay Patt.
"Si PJ?" sabay nila ulit na tanong.
"Kelangan sabay palagi? At oo si PJ nga." sagot ko uli.
"Ah kelangan na ba ng kasama pag nagpapahangin ngayon? Patt pala ha?" pang-aasar ni Raffa sakin. I just rolled my eyes at him and looked at Patt.
"So anong nakalimutan mo?" tanong ko sa kanya.
"I forgot to ask what time kita sunduin bukas?" he winked at me.
"San ba punta natin bukas?" I smiled playfully at him.
"Ahmmm...*fake coughs* andito pa kami. At anong bukas PJ?" Raffa wrapped his arms around my shoulder as he told that to Patt.
"Ah yun ba? Wala lang. Ace and I decided to hang-out tomorrow." he smiled innocently at my brothers.
"At kelan pa kayo naging hang-out buddies?" kuya eyed me suspiciously. "At tinatawag ka niyang Ace?"
"Kanina lang. At oo tinawag niya akong Ace, it's my name too right?" natatawa kong sagot sa mga tanong nina kuya. "Ano ba to? Interrogation? It's not like were dating." I raised one of my eyebrows while looking at them.
"Hindi nga ba PJ?" then kuya Seb wrapped his arms around Patt's shoulders too.
"We're just hanging out as friends guys. Don't worry." pag-assure niya kina kuya.
"Mabuti na yung klaro." sabi ni kuya habang tinatapik ang shoulders ni Patt.
"Sagotin mo na." sabi ni Raffa.
"At bakit ko naman siya sasagotin?! We're just friends, hindi siya nanliligaw. Wag ka ngang dirty minded Raffa." then I glared at him.
"Ikaw ang dirty minded. Ang sinasabi ko lang naman ay sagotin mo na ang tanong niya." natatawang sagot ni Raffa. "Diba tinatanong ka niya kung what time ka niya susunduin bukas? Tsktsk." pagtawa niya uli. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Aisssh! Kahiya ka Ace! :(
"Ah...yon ba?" me, trying to act cool. "Mga 1 pm na lang."
"Pfttt...ang cute mo talaga mag-blush Abby." paggulo ni Kuya sa buhok ko.
"Ako nagblush?" turo ko sa sarili ko. "Si kuya talaga iba na ang nakikita. Blush on lang yan." then hinaplos ko ang mukha ko, trying to wipe out the imaginary blush on.
"Sige deny pa. Lalo ka lang nagiging obvious." natatawang pagsali ni Patt. Nakisali pa! Akala ko mabait na, may sungay parin pala.
"Sige lang alaskahin niyo pa ako. Kayong tatlo na lang ang lumabas bukas ha?" I glared at them. Pinagkakaisahan ba naman ako.
"Sige tayo na lang tatlo PJ ha? Mas masaya naman kaming kasama kesa kay Gail no!" pag-appear pa ng dalawang kapatid ko. While si Patt naman ay nakikitawa sa kanilang dalawa.
"Sige kayo na lang ang lumabas!" sigaw ko at naglakad na para umakyat sa taas.
"Sinong lalabas?! Sama kami!" sigaw ng mga kabarkada naming kakapasok pa lang ng bahay.
"Whatever." Bulong ko sa sarili ko at nagtuloy tuloy na maglakad papuntang kwarto ko.
"So saan ang punta natin bukas PJ?" pinapalakas kunwari ni Raffa ang boses niya para alaskahin pa ako.
"Hoy bestie! Di daw ba kami pansinin?!" sigaw ni Sky.
"Punta na lang kayo sa kwarto ko kung gusto niyong magpapansin!" sigaw ko mula sa taas.
"Sige anjan na teh!" at narinig ko na ang madaming footsteps na papunta sa taas. Ang dami naman nilang gustong magpapansin. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/38704088-288-k932329.jpg)
BINABASA MO ANG
Restart
Diversos(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥