Chapter 10- "Sana di ka na lang bumalik."

249 12 0
                                    

After the ride papunta sa school kasama si Patt. Dumiretso muna ako sa library para medyo matulog at baka bumalik ako sa mood ko. Kelangan ko lang ay tulog at magiging okay rin ang pakiramdam ko. Pero mga ilang minutes pa lang akong nakapikit ay may sumisigaw na ng pangalan ko.

"Abby!" ano na naman ang kailangan ng babaeng to? Mula sa cafe sinusundan din niya ako dito sa library.

"What?" irita kong tanong sa kanya. Nadistorbo ang tulog ko. Pangalawa na to ngayong araw.

"Stay away from Kai." she told me. Were already attracting more attention now.

"Excuse me?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya. Like duh?

"Wag ka ng magma-angan pa. Kaya ka bumalik ay dahil gusto mo siya agawin sakin! Malandi ka!" pagsigaw niya uli.

"Excuse me ladies but this is a library. If you have any issues to settle, do it outside." the librarian told us grabbing more attention. Ngayon pinapalibutan na kami ng mga tao.

"Shut up bitch!" she shouted at the librarian. Then she grabbed my hand forcefully and dragged me outside. Getting more attention dito sa parking lot.

"Akin na siya! wag mo ng agawin pa!" pagtulak niya sakin sa isang kotse.

"Sayo na siya at wala akong balak agawin siya sayo!" pagtulak ko rin sa kanya. "Never akong naging malandi kagaya mo!" pagtulak ko uli sa kanya.

"Yeah right. Magmamakaawa ka ba uli sa kanya para balikan ka lang? And desperada mo talaga!" pagtulak niya din sakin. The nerve!

"Ano ba Agatha nananahimik na ako at wala na akong pakialam sa inyo ni Kai. Sayong sayo na siya! Kung may problema man kayo wag niyo akong idamay!" pagsigaw ko sa kanya. "I came back para magbagong buhay. At hindi ko pinlanong makasama ni isa man sainyo ni Kai sa bagong buhay na to. Move on! It's all in the past Agatha. Hindi ko na siya mahal at ikaw na rin ang nagsabi na ikaw lang ang mahal niya! Ano pa ba ang kailangan mo!"

"Liar! Bumalik ka para agawin siya sakin! Malandi ka!" tapos sinampal niya ako! Sinampal.niya.ako?!

"Ikaw ang malandi! Ako ba ang nagpabuntis sa kanya? Kaya sino ba satin ang malandi? Ginamit mo pa ang anak niyo para wag ka lang niyang iwanan! Kung may desperada dito ikaw yon! At kung may mang-aagaw rito ay ikaw yon at hindi ako!" pagsampal ko sa kanya. "Yan para sa pananakit mo sakin dati!" Dapat matagal ko na tong ginawa sa kanya. Nananahimik na nga ako dinadamay pa niya ako sa problema nila. Pinagtitinginan na kami ng karamihan ng mga studyante rito sa parking lot. Siguradong malaking tsismis na naman to sa kanila. Ayan kasi gagawa gawa ng eksena.

Ayun siya tahimik na nakaluhod at umiiyak. Siya ang unang nanugod kaya hindi ko kasalan to.

"Dahil sayo! Ng dahil sayo namatay ang anak namin!" pagduro niya sakin habang umiiyak.

"Sorry at namatay ang anak niyo. Pero wag mong isisi sakin ang kapabayaan mo." oo namatay ang anak nila. At saakin niya sinisisi? Nakwento sakin ni Sky na naaksidente si Agatha ng gabing pumunta ako sa California.

"Wag na wag mong isisi sakin ang pagkamatay ng anak mo. Kung sana ay hindi ka nagpakalasing ay hindi ka maaaksidente ng gabing yon." alam kong masakit din yon sa kanya pero hindi ko kasalan yon. Umalis na lang ako para matapos na ang gulo. Siya lang ang kawawa sa ginagawa niyang to.

Agatha's POV

Alam kong kasalan ko kaya nawala ang anak ko. At alam kong walang balak agawin ni Ace si Kai saakin. Pero naghahanap ako ng masisisi sa lahat ng nangyayari sa buhay ko at si Ace yon. Siya ang pulot dulo nitong lahat.

Kung hindi siya dumating sa buhay namin ay hindi sana makikipag-break sakin dati si Kai. Hindi sana ako nasaktan at naglasing nung muntik ng magpakamatay si Kai dahil sa pag-alis ni Agatha sa Pilipinas. Sana hindi ako naaksidente nung gabing yun. Sana andito pa ang anak namin ni Kai. Masaya sana kami ngayon.

"Sana di ka na lang bumalik." pagbulong ko kahit alam kong umalis na si Ace. Sana hindi na lang siya bumalik.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon