Chapter 32- Kai's Part

144 6 1
                                    


Today it's all about Kai. And I'm doing the video dahil si Patt ang assigned sa interview.

Nasa bahay kami nina Kai at sa kwarto niya kami unang pumunta dahil hinihintay pa naming matapos magluto si tita Jane. Hindi daw kami pwedeng umalis hangga't di namin natitikman yung bago niyang recipe.

"Okay so what's your favorite spot here in your room Raymundo?" walang ganang pag-iinterview ni Patt.

"Energy please." I told them. Lahat kasi ice mood ang dalawang to kanina pa.

"Here." Turo niya sa piano keyboard. "Dito ko kasi tinuruan dati yung babaeng sobrang mahal ko." Sabi niya habang nakatingin sakin.

Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness. It's like he's saying it to me kahit alam ko namang impossible na ako yung babaeng yon.

Oo he taught me how to play the piano dati pero baka hindi lang naman ako ang tinuruan niya. Wag assuming Ace...

"*fake cough* Okay. Tara na sa labas na lang tayo wala namang interesting dito." paghawak ni Patt sa kamay ko sabay higit sakin palabas.

Pero bago pa man ako makalabas I caught a glimpse of our picture at his side table nung sumali kami sa marriage booth nung high school pa lang kami ni Kai and I know nakita rin yon ni Patt. Why does he still keep that picture? Ang labo na talaga niya.

"Buti naman andito na kayo, kain na tayo daughter. PJ diba?" tanong niya kay Patt.

"Opo tita. PJ Zamora po." pagngiti sa kanya ni Patt.

"Nice to finally meet you iho. Ang daming kwento sayo ni Sky my daughter. Kayo na ba ng anak kung yon?" pagyakap sa kanya ni tita Jane.

"Ho?" gulat niyang tanong agad.

"Pffft." di namin mapigilang ni Kai ba matawa sa reaksyon sa mukha niya.

"Boyfriend ka na ba ni Sky sabi ko. Ang aga mo naman atang mamanhikan iho." nakangiti parin si tita sa kanya ng todo.

"Pfft." Pagpigil ko sa tawa ko sa sinabi ni tita.

"Ho?" tanong niya ulit. The look of horror on his face. Hahaahah!

"Ay bingi ba to?" tanong sakin ni tita.

"Hahahahahah!" di ko na mapigilan! Sobrang epic kasi yung reaksyon ni Patt. Hahaahah.

"Ma...Groupmate po namin siya ni Ace." pigil rin ng tawa ni Kai.

"Ah akala ko pa naman kayo na ng anak ko. Super crush ka kasi non. Wag mong sabihing chinika ko sayo ha?" pagtawa rin ni tita.

Ngitian lang siya ni Patt na sobrang red na ang mukha sa hiya.

"Ma kain na tayo para matikman na ni Ace ang bago mong recipe." pagngiti sakin Kai.

"Oo nga po tita namiss ko yung mga luto niyo. Dapat matikman mo yung mga luto ni tita PJ sobrang sasarap." pagsabay ko ng paglalakad kay PJ.

Kai's POV

"Boyfriend ba siya ni Abigail?" bulong sakin ni mama habang nasa likod kami nina Ace.

They're too sweet and my eyes are hurting seeing them talk each other na parang wala kami ni mama. Parang kami lang dati, walang pakialam sa mundo basta magkasama lang kami.

"Yes Ma. That's what I heard." malungkot kong sagot.

"Really? Oh son." yakap sakin ni mama.

"It's okay Ma. Ako naman ang may kasalanan eh...this is the consequence nung saktan ko siya."

"Nasaktan ka rin naman anak ha? Sana maging masaya ka na rin kagaya ni Abigail daughter ko."

"I don't know how Ma...ang alam ko lang sa kanya lang ako magiging masaya."

"Oh son." yakap sakin ni mama uli pagdating namin sa dining room.

"Wow tita ang dami naman nito. Tataba ako uli nito." I miss that smile of hers. And I wish it was still for me.

"Nalaman ko kasi na ikaw ang bisita kaya naghanda talaga ako my other daughter. Alam kong namiss mo na ang mga luto ko kaya pinabongga ko na." pagyakap sa kanya ni mama.

"Wow salamat po tita. Namiss ko talaga to." pagkuha niya agad sa paborito niyang carbonara.

"Yan parin talaga ang inuuna mong tikman no? Di ka parin nagbabago." di ko mapigilang sabihin yon.

"Naman! Ito kaya favorite ko." pagngiti niya sakin ng sobrang lapad.

"Naman." pagngiti ko rin sa kanya.

"Patt tikman mo to oh." subo niya kay Zamora. Tsk!

"Sarap nga!" pag-apir nila. "Ang sarap niyo pala po talagang magluto tita."

"Talaga? Salamat PJ iho. Sige kain ka pa." nagningning ang mga mata ni mama sa narinig niya

Diyan mas nagustuhan ni Mama si Ace. Sa sobrang ganda niyang tingnan habang kumakain ng luto ni mama at tsaka kung paano niya to ipagmalaki sa iba na masarap to.

"Eh ikaw Raymundo ano ang paborito mo sa mga luto ng mama mo?" tanong sakin ni Zamora.

Tiningnan ko agad si Ace. Ang dahilan kung ano Ang paborito ko. "Carbonara rin. Dahil..."

"Ay lowbat na yung videocam wag mo ng sabihin yung dahilan."

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon