Chapter 34- Love Him Back

158 5 1
                                    

Guys nauna ko ipublish tong chapter 34 kesa Chapter 33. Just reminding you baka kasi di niyo nakita.
-----
"Addict ka ba? O nakainom lang? Ako pa nga diba ang nagmakaawa sayo dati na mahalin mo ako remember?"

"Oo natatandaan ko kung paano ako nasaktan habang tinitiis ko na wag kang pakawalan sa mga panahong yon."

"Once is enough itigil mo na ang kalokohan mo na to. Wala na yung naging satin Kai. Matagal ng wala. "

"Sino bang may sabing niloloko lang kita? Ikaw lang ang mahal ko Ace at wala ng iba pa. Please give me a chance to make it all right again." kita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata niya.

"You could make it all right again but it would not mean that I would love you again. Masyado mo na akong nasaktan Kai...Tama na..." gustuhin ko man eh hindi na kaya ng puso ko.

"Ace please." paghawak niya sa kamay ko na parang nagmamakaawa. "Please come back to me."

"Ayoko na Kai. So please tama na. Wag mo na guluhin pa ang buhay ko uli...unti unti ko nang nababalik ang buhay ko sa dati kaya please wag mo ng hadlangan na maging masaya ako ngayon. Wag ka namang selfish."

"Alam ko nasaktan kita ng sobra. Pero mas doble ang sakit sakin non Ace alam mo ba yon?"

"Wala ng magagawa kung nasaktan ako o mas nasaktan ka pa noon. Ang alam ko lang ay hindi mo ako pinaglaban. Sapat ng dahilan yon para masabi kong tapos na kung ano man ang naging atin."

"Bata ang nakasalalay don Ace?! Paano kita ipaglalaban?"

"Yun na nga eh bata! Bata at first love mo ang naging kalaban ko kaya di mo ako pinili." hindi ko na napigilan at nahulog na ang luha sa mata ko.

"At nung nawala yung bata ng gabing yon hinintay kita! Na baka balikan mo ako! Dahil umaasa ako na kaya mo pinili si Agatha ay dahil sa magiging anak niyo pero umasa na naman ako dahil hindi ka dumating."

"Anong magagawa ko kailangan ako ni Agatha? Muntik na siyang magpakamatay. Buhay yon Ace, buhay yon."

"Yun na nga si Agatha parin ang pinili mo! Ako hindi lang muntik! Nagpakamatay ako para lang balikan mo, pero wala eh! Hindi parin ako namatay at hindi ka parin bumalik."

"Hindi ko alam! Wala akong alam sa mga nangyari sayo simula ng gabing umalis ka. Kung alam ko lang ay pupuntahan kita kahit nasan ka man!"

"Wag na nating balikan ang mga nangyari dati. Dati na yon...Tapos na yon."

"Pero maiitatama pa natin ang lahat ng yon Ace. Bumalik ka lang sakin."

"Alam mo pinapatawad na kita kung nasaktan mo ako dati at humihingi rin ako ng tawag kung nasaktan man kita. Pero wala ng pag-asa kong ano man ang gusto mong ibalik." punas ko sa luha ko. "Gusto kong maging masaya uli pero hindi na ikaw ang gusto kong makasama roon. Sana maging masaya ka na rin."

Lumabas na ako ng kotse niya. At ang una kong nakita ang mukha ni Patt na nag-aalala.

Lumapit agad siya sakin at niyakap ako. I hugged him back and cried. I need this right now at salamat at siya ang kasama ko.

"Pwede bang iuwi mo na ako? Nahihiya na akong pumasok sa loob ng bahay niyo ng ganito."

"It's okay. I'll take you home." pagpunas niya sa luha ko.

"Thank you. Please say sorry kina tito para sakin."

"Papa nga daw ang tawag mo sa kanya." napasmile tuloy ako ng di oras sa sinabi niya.

"Ayon nakangiti rin. Don't cry." sabay punas sa luha ko. "Mas nasasaktan ako." pagyakap niya sakin ng mahigpit.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at sa yakap niya.

Natatakot ako. Sinabi kong susubukan ko pero natatakot parin ako. Hindi ko alam kong handa na ako.

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon