Chapter 46- Screaming Silence

82 6 1
                                    

Ace's POV

"Nakita mo ba si Patt?" tanong ko kay Raffa. Hindi niya kasi ako nasundo kaninang umaga tapos tinatawagan ko siya kaso hindi naman sumasagot.

"Hindi nga eh akala ko kayo ang magkasama. Galit na galit sa kanya si coach ngayon dahil wala siya sa practice kagabi."

"Pero ang sabi niya pupunta siya don pagkatapos niya ako ihatid sa bahay kagabi." nag-aalala na ako. Baka may nangyari na sa kanyang masama.

"Hindi siya dumating. San na naman kaya pumunta yon?"

Tapos bigla na lang siyang dumating at umupo sa usual spot namin sa field looking so...hindi ko alam. Hindi ko alam kung bad mood o ice prince lang ang mood.

Hello? Girlfriend here? Di mo na nga ako sinundo tapos dinidedma pa ako?

"Pare ba't di ka pumunta sa practice kagabi? Grabe ang sermon na naman ni coach." sabi sa kanya ni Matt.

"Sumama lang ang pakiramdam ko." sabi niya ng walang kabuhay buhay.

"Okay ka lang ba?" Hahawakan ko na sana ang noo niya kaso bigla na lang umiwas.

"Okay ka lang ba pare?" Raffa and Matt looked at me so worried.

"Okay lang." Ba't ba siya nagkakaganito?

"Sige sibat muna kami may class pa kasi kami." tapos lumakad na si Raffa at Matt papalayo samin.

"Okay ka lang ba talaga babe?" I asked him.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko okay lang ako!" galit niyang sagot.

"Eh ba't ka nagagalit? Nag-aalala lang naman ako sayo?"

"Never mind." simula pagkarating niya ni hindi man lang niya ako tiningnan.

"Hoy galit ka ba?"

"Hindi."

"Eh ba't ba nagkakaganyan ka? Ba't ba ayaw mo akong tingnan ha?" pumunta ako sa harap niya para makita niya ako kaso biglang umiwas na naman.

"May nagawa ba ako?" Kaso di man lang sumagot. "Hoy~"

"Bakit may ginawa ka ba?" biglang tanong niya.

Napa- shut up ako. Alam ko may ginawa ako pero malabo namang alam niya.

"Oh bakit ka napatahimik? May ginawa ka ba talaga?"

"Wala." I said confusely. Ano aamin ba ako o hindi? Kaso baka naman kasi hindi yon yong ibigsabihin niya. Ano ba?! Ang hirap naman kasi magsinungaling sa kanya.

"Oh ba't parang di ka sigurado? Wala ba talaga?"

"Wala." I tried to say it so confidently.

"Edi okay wala." pero parang di naniniwala.

"Wala naman kasi." Hinawakan ko ang kamay niya kaso binitiwan agad ako.

"May tanong lang ako. Nagsinungaling ka ba sakin kahit once lang? Nung sinabi mo ba na mahal mo ako totoo ba yon?"

"Ano bang nangyayari sayo ha? Okay ka lang ba talaga?"

"Sagotin mo na lang yon tanong ko." galit niyang sabi.

"Mahal kita yon lang yong alam ko at sigurado ako doon."

"Talaga lang ha?"

"Oo mahal kita. Mahal na mahal kaya wag ka na magalit sakin." I hugged him so tightly. I don't know what I should say to him.

"Sige na may practice pa ako." sabay tanggal niya ng yakap ko sa kanya.

Di ko napigilan at napaiyak na lang ako. Bakit ba siya nagkakaganon? May ginawa ba talaga akong masama? Isa lang ang naiisip ko pero malabo naman niyang malaman yon.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon