"Hay nabusog ako masyado." pag-upo agad ni Patt sa upuan sabay pikit.
"Ako rin." higa ko sa tabi niya. Napasarap yung adobo masyado tsaka naubos namin yung carbonara. Hahay~ magluluto na ako!
"Maglalakad muna ako para matunaw yung kinain natin." pagpapaalam ni Kai.
"Sige." pagngiti ko sa kanya sabay pikit rin ng mata ko gaya ni Patt. Nakakatulog pala mabusog.
"Mukhang okay na kayo ni Raymundo no?" tanong ni Patt.
"Maybe. Hindi na kami awkward masyado tsaka nakapag-usap naman kami ng matino kanina."
"So magbabalikan na kayo?"
"No."
"Eh okay naman na kayo diba?"
"It doesn't mean na we're getting back together. Maybe as friends but not in a relationship thing."
"So does it mean may gusto ka ng iba kaya ayaw mo na siyang balikan?"
"Maybe."
"Ako ba ang maybe na yan?"
"Maybe." nakapikit ko paring sagot.
"So sasagotin mo na ako?" bigla niyang pag-upo paharap sa akin kaya napadilat ako bigla.
"Ang tsismoso mo talaga. Bakla ka ba?" pagharap ko din sa kanya.
"Patunayan ko na lang sayo para hindi ka na lang magduda no? kanina pa yan eh."
"Ha?"
"Bingi bingihan na naman?"
"Ulol!" batok ko sa kanya.
"Halikan kita jan eh." serious mode.
"Subukan mo lang. Akala ko ba hahalikan mo lang ako pag totoong tayo na?"
"Oo nga pero pinagdududahan mo kasi ang pagkalalaki ko kaya kailangan ko patunayan sayo."
"Paghalik lang ba ang makapagpapatunay na hindi ka bakla ha?"
"Yon ang gusto kong paraan eh. May angal?" paglapit niya ng mukha niya sakin.
"Expert ka eh no? Ang dami mo na atang nahalikang babae sa paraan mo na yan. Tsktsk." natatawa kong sabi.
"Hindi kaya. Kasi wala namang nag-question sa pagkalalaki ko ni isa. Ikaw lang." lapit pa niya ng mukha ko.
"Kaya mo ba talaga?" lapit ko ng mukha ko. This is called reverse psychology. Haahahaah! Grabe ang gulat sa mukha niya ng ako ang lumapit. "Pfft."
"Kaya....ko." Hahahahahah! Ang sarap talaga nito pagtripan. Grabe ang mukha niya habang sinasabi niya yon.
"So kaya mo?" ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha namin. Suko na ba ako?
Tapos bigla na lang...bigla na lang....
O.....O WAAAAAAAAH! WAAAAAH! He kissed me! my precious lips!
"Sabi ko naman sayo. Kaya ko." tapos bigla niyang tayo at pumasok agad ng kwarto niya.
Tapos ako ito tulala parin? Hinalikan talaga niya ako?!!!!!
"PATTRICK!!!!!" sugod ko sa kwarto niya. "PATTRICK! Ba't mo ako hinalikan ha?!"
"Sabi mo kasi di ko kaya."
"Eh ba't ka ba naniwala sakin?!"
"Ang lapit kasi ng mukha mo kanina. Hindi ko na napigilan."
"So kasalanan ko pa ngayon?!"

BINABASA MO ANG
Restart
Random(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥