Chapter 33- PJ's Part

166 6 2
                                    

We decided to meet up ngayon at sisimulan namin ang video project dahil 4 days na lang ay ipapass na yun.

Si Patt ang huli naming iintroduce sa documentary video namin.

"Saan ba tayo pupunta?"

"I want you to meet my parents." Sabi niya sakin.

"Agad agad?" singit ni Kai.

"Pfft." ayan na naman yang line niya na sobrang nakapagpapatawa sakin dati. Effective parin pala ngayon.

"Oo naman doon din naman yon hahantong diba? Tara na Ace." paghigit niya sa kamay ko. "Sumunod ka na lang sa amin Raymundo kasi may dala ka namang kotse."

"Kai sumunod ka na lang okay? Di mo naman pwedeng iwan dito sa school yung kotse mo diba?"

He just nodded and smiled at me.

Ako kasi di ko nadala yung kotse ko dahil sinundo ako sa bahay ni Patt kanina.

"Be nice to him." Sabi ko agad kay Patt pagpasok namin ng kotse. Kanina ko pa napapansin ang pagiging ice prince mood niya pagdating kay Kai.

"Mabait naman ako ha?" nakatodo smile niyang sagot sakin.

"Mabait ka na sa lagay na yan? Be nicer." napapasmile ako sa mga smile niya na yon.

"Okay. I'll really try kung pakikisamahan niya rin ako. Nakita mo ba yung mga tingin niya sakin kanina? Para niya akong pinapatay sa utak niya ng di natin alam."

"Ganon lang talaga siya sa lahat sa umpisa kahit sakin nga din noon...pero pag naging close kayo ay mabait talaga siya."

Parang lumungkot ang mukha niya pero nakasmile parin siya sakin.

The whole ride was silent after that.

"Andito na tayo." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Okay ka lang?" his smile seems fake so I had to ask.

"Oo naman." pagngiti niya uli.

"Eh tayo okay lang?"

"Yup. We're okay Ace."

Kung yung iba sanay sa ice mood niya. Ako hindi.

"May nasabi or nagawa ba akong masama kanina? Ba't bigla ka na lang tumahimik?"

"Wala. Naisip ko lang... sana nakilala rin kita noon para ganon mo rin ako kakilala kagaya ni Raymundo."

"Nagselos ka ba kanina sa sinabi ko?" Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam.

"Oo nagselos ako na ipinagtanggol mo siya kanina."

Natahimik ako sa pagiging vocal niya sa nararamdaman niya.

"Gusto kita kaya di ko napigilang magselos...you don't have worry 'cause it's my problem about my feelings for you Ace."

*toktoktok* biglang pagkatok ni Kai sa kotse ni Patt. Oo nga pala andito na pala kami.

"Tara na?" paglabas ni Patt ng kotse kaya lumabas na rin ako.

"Welcome to our humble home guys." sabay video ko sa kanya.

Pagpasok pa lang namin ng bahay nila Patt rinig ko na ang tawanan sa loob.

"PJ andito na ba visitors mo?" I guess this is Agatha's mother.

"Yes po mama. This is Ace and this is Kaizer kilala niyo na po siya." then he wrapped his arms around my shoulders.

"Kaizer I didn't know na kasali ka pala sa group nila? Kumusta ka na iho?"

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon