Chapter 37- Can't Do it Again

122 7 1
                                    

Mahal ko na ba siya?

Author: Aba malay ko sayo.

A. Naman eh! Ba't ba ganito ang kwento ng buhay ko?

Author: Don't worry malapit ka na maging masaya uli.

Talaga?

Author: Bingi? kasasabi pa lang eh.

Haha! Salamat A.! - - - - -

"Tahan na bestie." pagyakap sakin ni Sky. Sinamahan niya ako dahil wala rito ang mga kapatid ko kaya ito drama ang peg ko.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nangyari sa condo ni Patt. At iniiwasan ko na siya simula non. Sinabi ko okay lang kami pero nakaramdam ako ng takot sa nararamdaman ko sa kanya.

"Ang kuya mo kasi eh! Kainis! Nagmomove on na ako Sky, sinusubukan ko namang magmahal uli pero dahil sa mga sinabi niya sakin natatakot na naman ako."

Kinwento ko sa kanya lahat. Pati na rin yung pag-amin ni Kai na mahal niya parin ako.

"Mahal mo pa ba si kuya?"

"Hindi ko alam. Sa tuwing naiisip ko siya bigla na lang pumapasok sa isip ko si Patt at bigla na lang bumibilis ito." Turo ko sa puso ko.

"Kelangan mo isipin ng mabuti bestie. Kung sino sa kanila ang hindi mo kayang mawala sa buhay mo bestie."

"Hindi ko alam naguguluhan ako Sky. Ang alam ko lang iba ang sa amin ni Patt."

"Eh ano pa ang kinakatakot mo? Malay mo siya na pala ang forever mo."

"Eh paano kung hindi?"

"Edi at least sinubukan mo diba? It's all about taking risks bestie."

"Hindi ko pa alam kung kaya ko nang i-risk ito uli." hawak ko sa puso ko.

"Kung mahal mo na nga talaga si PJ...kakayanin mo dahil mahal mo."

"Pero paano kung masaktan lang ako sa huli gaya kay Kai."

"Wag mo kasing isiping lahat ng lalake gaya ni kuya na sasaktan ka."

"Hindi ko maiwasang di isipin. Alam mo kung ano ang pinagdaan ko para lang makamove on sa kanya Sky."

"Alam ko bestie. Pero hanggang kelan ka matatakot? Kelan ka magiging handa sumugal para sa ikakasaya mo?"

"I don't know. Hindi ko alam Sky."

"You won't gain anything without taking risk bestie."

"I know. Di ko lang alam kelan at papano."

"Pero hanggang kelan mo iiwasan si PJ? Kawawa naman siya...sobrang lungkot na niya bestie."

"I don't know."

Kapag nasa school ako. Iwas agad pag makakasalubong ko siya at hindi na ako sumasama sa barkada. Sa school tapos punta akong bahay ampunan agad. Palagi kasi silang tambay sa bahay at ayoko muna siyang makita.

Alam ko may nararamdaman na ako sa kanya pero hindi ko alam kung kaya ko ng panindigan to.

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon