"Don't you feel anything for him?" Biglang bulong sakin ni kuya Nate habang nakaupo kami sa gazebo sa pool area. We're having a pool party mamaya at ayon ang barkada busy sa paghahanda.
"Kanino?" tanong ko agad sa kanya habang sumandal sa balikat niya.
"Sa kanya." turo niya kay Patt na naghahanda ng drinks kasama sina Raffa.
"We're not in that kind of thing kuya. We're just good friends." Sagot ko agad.
"Hindi ko tinatanong kung ano ang meron kayo. Tinatanong ko kung wala ka bang nararamdaman sa kanya?" pag-explain din niya.
"Okay I can only tell you this kuya Nate. Kakikilala ko pa lang sa kanya pero it's like komportable na agad ako sa kanya. But it doesn't mean na may nararamdaman na ako sa kanya. Oo gwapo siya at kagaya niya ang mga type ko pero I'm not yet ready for that. Besides he's also not interested."
"Paano kung sabihin ko sayong mga tingin pa lang niya ay bigay na bigay na interested siya sayo. Magkakainterest ka rin ba sa kanya payatot?" seryoso niyang tanong habang nakatingin parin kami sa direksyon nina Patt.
"Hindi ko alam kuya. Hindi ko pa alam kung kaya ko na uli." sagot ko uli after I exhaled.
"Ba't di mo subukan. Malay mo, baka yan ang maging way para maka move on ka na ng tuluyan." paghaplos niya sa buhok ko.
"Hindi ko pa alam kung ready na ako para jan sa ngayon kuya. Tsaka hindi naman ako gusto niyan." pag-iling iling ko.
"Hindi ka pa ready para don o di ka pa ready magmove on at kalimutan siya? Yun lang naman yun eh. Tsaka obviously that man likes you, ayaw mo lang aminin sa sarili mo kahit napapansin mo naman." I know that what he's saying are all true. That's kuya Nate, eye opener para sa mga in denial kagaya ko.
"Gusto ko kuya, gustong gusto ko mag move on pero mahirap. Gusto ko siyang kamuhian pero ayaw nito." turo ko sa puso ko.
"Ang sakit parin, masakit paring makitang magkasama sila. Nasasaktan parin ako na siya ang tinitingnan niya at hindi na ako. Pero wala akong magawa dahil balikbaliktarin man natin ang mundo siya ang pinili niya at hindi ako." pagtulo ng luha mula sa mata ko. Di ko na napigilan.
"Pero nakaya mo naman sa tatlong taon na wala siya diba? Kaya kakayanin mo. Wag mo lang pigilan ang sarili mong makita ang pagmamahal na yon sa puso mo uli." pagpunas niya sa mga luha ko. "Hayaan mo at wag mong pigilan Abigail."
"Ano na ba yang pinag-uusapan niyo at parang ang seryoso niyong dalawa?" Biglang dating ni Kuya Seb.
"Wala naman sinasabi ko lang sa payatot na to na kumain ng marami at ng magkalaman naman." pagtawa ni kuya Nate sakin.
"Sama mo talaga grandpa!" paghampas ko sa braso niya.
"Yun lang ba talaga?" kuya Seb eyed us suspiciously.
"Oo naman." pag assure sa kanya ni kuya Nate.
"Oh siya sige na nga. Magbihis na kayo at malapit ng mag 9 pm at darating na mga bisita." pagpapatayo niya samin.
"Bihis na ako kuya. Si grandpa na lang ang hindi." pagpapaalala ko sa kanya.
"Sige tol bihis muna ako sa taas." pagpapaalam ni kuya Nate. At ayon na iniwan na ako sa iri.
"Whatever it is that's making you sad right now, you know you can lean on me too Abby." pagyakap sakin ni kuya Seb. I know he wants me to share my problem to him too. But I can't. Ayokong isipin nilang andon parin ako sa estadong kinalalagyan ko dati. Ayokong mag-alala sila ulit ng ganon, na kahit saan ako pumunta ay nakabantay sila sa mga kilos at galaw ko dahil baka may gawin na naman akong ikasasama ko.
"Alam ko kuya. Pero hindi naman ako malungkot." pagsmile ko sa kanya ng sobrang lapad. "See? Tsaka magpaparty tayo ayokong magdrama ngayon." at tumayo na ako at pumunta kung saan naghahanda si Sky ng table ng di na humaba pa ang drama ko today.
"Nakita ko yon." bulong agad sakin ni Sky.
"Not right now." iling iling ko sa kanya. Ayokong pag-usapan sa ngayon. "I just wanna party tonight." pagkain ko sa cupcake na nakahanda sa table.
"Okay bestie~ whenever your ready." then he gave me a comforting smile. Yan ang gusto ko sa kanya, i-cocomfort ka parin kahit wala ka mang sabihin.
"Salamat Sky. Thank you for always being here with me." I hugged him so tightly.
"Party ba to oh hugging center?" Biglang may nagsalita sa likod namin. Hugging center? Meron ba non?
"At sino ba tong panira sa bestie moment namin?" pagharap namin ni Sky sa nagsalita.
"Hi babie girl." O.O He's back!
BINABASA MO ANG
Restart
Random(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥
