Chapter 24- The Allergy

150 6 0
                                    

"Saan mo gusto munang kumain?!" di makapaniwalang sigaw ni Patt.

"Diyan." Turo ko sa fishball stand sa tapat, kung saan ko pinaparada ang kotse sa kanya.

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na siya ang magmaneho.

Ang alam ko lang. Siya lang ang nag-iisang naglakas loob na makipagtalo sakin sa pagmamaneho ng kotse ko.

Oo dati si Kai sumubok siya, pero sumuko rin agad di gaya nitong lalakeng to.

He stood up against me and I admit it that it felt good for me.

Bata pa lang ako, I was in control of everything that I wanted. I was so spoiled by my brothers, my friends and my family, that what Patt did felt new. New in a sense that, for the first time in my life I was not in control.

At grabe yung tibok ng puso ko kanina nung tinititigan niya ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Seryoso ka ba? Diyan tayo kakain?" natatakot niyang turo sa fishball.

"Oo naman masarap yan kahit marumi ng konti."

"Marumi ng konti?!" di niya makapaniwalang tanong uli.

Nakakatawa ang reaction niya. Masyadong obvious na di kumakain nito. Hahahaaha!

"Konti lang naman eh."

"No." ang arte! Pero ang cute!

Cute?! Erase erase! Di ko sinabi yon. Ano bang nangyayari sayo Ace Abigail ha?!

"Sige na naman. Try mo ng isa tapos kung ayaw mo parin, alis na tayo okay ba yon?"

"Ayoko parin. Sa japanese restaurant na lang tayo ibibili kita ng tempura."

"Ang arte mo naman. Ang KJ mo na nga kanina sa ampunan pati ba naman rito. Umuwi na lang tayo."

"Osige na pero isa lang talaga."

At lumabas na kami ng kotse at pumunta agad papunta sa fishball stall.

"Manong sampung fishball, sampung tempura, at sampung squidroll."

"Kaya mong ubusin yon lahat?"

"Oo naman. Sa L.A. wala kaya nito kaya kakain ako ng marami to fill up the 3 years na hindi ako nakakain nito."

"Ba't ka nga ba umalis?"

"I just needed a new life kasi medyo napasama ang buhay ko dati."

"Dahil kay Raymundo." he said it as a statement not a question.

"Partly but the real reason was I needed it too. Well it's all in the past wala na yon at least I'm okay now diba?"

I don't get myself. Bakit ba ako napapakwento sa kanya?!

"Okay ka na nga ba?"

"Strangely...yes."

"Ito na po." singit ni manong fishball.

"Salamat kuya."

"Oh." subo ko sa kanya ng fishball. "Masarap ba?"

"Uhmm...ma..sarap." pagngiwi niya.

"Hindi ka naman nasarapan eh."

"Masa..rap."

"Ba't ka ba namumula ha? May lagnat ka ba?"

"What?" then he cupped his face.

"Ba't ka ba namumula ha?" haplos ko sa noo niya agad. Para na naman akong nakuryente. Aissh! I've felt this once and I know what this means. No not again please.

"May allergy ako sa... ganyan." Turo niya sa fishballs habang kinakamot ang kamay niya.

"Dito sa fishball? Eh ba't di mo naman kasi sinabi agad! May allergy ka pala dito."

"Sabi mo kasi ang KJ ko at ang arte ko kaya pumayag na lang ako."

"Sorry ba't kasi di mo sinabi eh! Tara bili tayo agad ng gamot mo." higit ko sa kanya. "Aissh! Tanga ka ba?! Ba't mo yon kinain eh alam mo namang allergic ka don."

"Okay lang mawawala rin to. Mas gusto ko pang kainin to kesa umuwi ka...nag-eenjoy pa ako eh."

"Oo na sige na. Kung sana sinabi mo agad edi sana sa iba na lang tayo pumunta."

"Oo na po." ako na yung nagdrive ang pula na kasi ng mukha niya eh.

"Sorry ha? Pinilit pa kasi kita." naguiguilty ako kung bakit ko ba naman kasi sa kanya pinakain yon. Aisssh! Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Okay lang talaga. But you owe me one meal."

"Okay lang, pero I owe you one meal? Ang gulo mo."

"Basta yon na yon."

"O sige na basta ngayon ihahatid muna kita tapos magpahinga ka na. Asan ba bahay niyo?"

Pero walang sumagot... nakatulog na siya. Paano to? Saan ko siya ihahatid? Aishh! Hindi ko pa alam gamot sa allergy. Ano ba to?!

Calling Raffa...

"Hello Raffa?"

"Oh may problema ba?"

"Meron... Malaki."

"Bakit anong nangyari sayo? Asan ka? Nasaktan ka ba?"

"Hindi ako. Si Patt. Pinakain ko kasi siya ng fishball eh allergic pala don. Malaking trouble to Raffa~~" Huhuhu~ ang pula pula na niya! T.T

"Fishball?! Ba't mo pinakain non?! Masama talaga yan. Iba pa naman sumpungin ng allergy yan."

Hala! Pano to?!

"Ano ba yung gamot sa allergy niya?! Aishh! Ang sama ko! Ba't ko ba kasi siya pinakain non?!"

"Nangyari na. Basta go to the nearest drugstore then ask the pharmacist what medicine to let him take for the allergies. Ibili mo na din ng gamot sa lagnat dahil nagkakalagnat siya kapag nagkaka-allergy siya."

"Raffa! Help me~~ asan ba bahay nila para maihatid ko siya don? Huhuhu!"

"Don mo na lang sa bahay para maalagaan mo siya. Wala siyang kasama sa bahay nila, walang mag-aalaga sa kanya don."

"Where's his parents?"

"Wala na yung mama niya while his father is on some business trip right now. So don mo siya iuwi sa bahay sis at ikaw muna mag-alaga sa kanya. Sige Gail galit na kasi tong teacher ko."

"Nasa class ka?!"

"Oo rinig nga nila lahat pinag-uusapan natin eh. I'm having an oral participation when you called. Say hi to her classmates!"

"Hi~~~please take care of our PJ!!!" sigaw ng mga babae. Lang hiyang Raffa to!!! I just ended the call agad. Kahiya naman!

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon