"Max!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Namiss mo nga talaga ako." pagyakap niya sakin agad paglapit ko sa kanya.
"Namiss kita sobra! Kelan ka pa dumating?" sabay yakap ko din sa kanya.
"Kanina lang. Nalaman kong may party kaya pumunta ako agad rito." pagpapaliwanag niya. "Barbie girl wag mo akong yakapin ng ganyan at baka magselos si Kai mo." O.O He doesn't know? Alam kong nasa malayo siya pero wala man lang nagsabi sa kanya?
I just smiled at him in response. I don't know how to tell him. I looked over at Sky para tulungan naman ako pero andon na siya at nakikipagharutan sa DJ.
"Speaking of Kai, asan ba siya? Papuntahin mo na rito at namiss ko ang bestfriend kung yon dahil di niyo man lang ako kinumusta sa Italy."
I don't know what to tell Max. Paano ko sasabihin na wala na kami ng bestfriend niya matagal na.
"LQ ba kayo?" tanong niya.
"Matagal na kaming wala Maximo." lakas loob kong sagot sa kanya.
"What? Anong wala na kayo?" naguguluhan niyang tanong.
"Break na kami, matagal na." I looked at him seriously.
"Paano? Kelan? Anong nangyari?" di makapaniwala niyang mga tanong habang lumalakad papuntang garden.
"Kinalimutan ko na dahil matagal na yon Max. Tsaka ang importante ee masaya na ako ngayon." I smiled at him sincerely habang sumusunod sa kanya. Oo masaya naman talaga ako. Pero nasasaktan parin ako kapag naaalala ko ang lahat ng nangyari dati.
"Explain what made you give up barbie girl? Hindi ikaw ang tipo ng babae ng sumusuko na lang ng ganun." paghingi niya ng explanation mula sakin pagkaupo namin sa bench sa tapat ng isang puno. Malapit lang naman ang garden sa pool area pero it has quite a distance para mapag-isa kami.
"Basta sumuko na lang ako dahil di ko na kinaya. Di pa ba pwedeng rason yon?" sagot ko sa kanya para matapos na to. Party to hindi drama party para sakin.
Then he just looked at me as a response giving me a look na hindi siya naniniwala.
"Okay para matapos na to. Ganito ang nangyari simula nung umalis ka. Pinagpustahan lang pala ako. Niloko niya ako. Nasaktan niya ako kaya nakipaghiwalay ako. At ngayon nakamove on na ako at masaya na ako. Pwede na ba yon?" pinilit kong wag umiyak sa bawat masakit na alaala na bumabalik sa isip ko habang sinasabi ko yon.
"I trusted him that he will never do anything that could hurt you kaya umalis ako at pinaubaya naman kita. Pero gago yon! Ginawa niya sayo yon?!" galit niyang sabi while controlling his fists to not smack anything.
"It's all in the past now kaya hindi na importante yon. Tama na nga to puro kadramahan na lang ang nangyayari sakin sa party na to. Magpakasaya na lang tayo Max." paghawak ko sa kamay niya para kumalma siya.
"Sorry for what happened barbie girl." sabay yakap niya sakin. "Sana di na lang kita iniwan sa kanya para hanggang ngayon eh masaya ka parin."
"Di mo naman kasalanan yon Max. Tsaka masaya naman ako ngayon ah? Tara na nga sa party at baka akala nila eh kinidnap mo na ako." higit ko sa kamay niya para bumalik na kami sa pool area.
"Oh sige na at iinum ako. Di ko kinaya mga narinig ko mula sayo ngayong gabi eh. Daig ko pa ang amang narinig na bakla ang nag-iisang anak niyang lalake." pilit niyang pagpapatawa sakin.
"Masaya ako at nakabalik ka na." pagngiti ko sa kanya.
"Ako rin." then he wrapped his arms around my shoulders. "Masaya ako at nakita kita uli."

BINABASA MO ANG
Restart
Aléatoire(Part 1 of Vergara triplets Series ) Pinagpustahan, niloko at sinaktan. Kung ikaw ba ang nasa katayuan ni Ace Abigail Vergara, makakaya mo pa bang magmahal uli? Biyotchii ♡♥