Chapter 20- "Tayo na ba?"

158 6 3
                                    

coldvirus: Cha salamat sa pagsupport palagi sa story na to. I dedicate this chapter para sayo. :)))
_ _ _

Dare." It's better than a truth na habang buhay kong pagsisihan na sinabi ko, kesa sa dare na na ngayong gabi lang eh tapos na.

"Date him for a week." turo niya kay Patt.

"Unfair naman ata yan." reklamo ko.

"There's no such thing as unfair in a dare barbie girl. Tsaka payag ka naman PJ diba?"

"It's just a dare so it's cool with me." he just shrugged like this dare is just nothing.

"Just a dare?" Di ako makapaniwala sa kanya. Just a dare?!

"It's not like you'll need to love me. It's just a dare Ace. Nothing more, unless may nararamdaman ka na sakin?" then he smirked at me.

"Wala. Pero..."

"Pero? Pero ano?" si Max na sumisingit.

"Okay deal. It's just a dare. Nothing more, nothing less." I looked at Patt to confirm it to him.

"Just a dare." he reassured me.

"Okay let's sleep na at tulog na ang tatlong to." turo niya kina Sky, Matt at Raffa na nakatulog na sa kalasingan.

"Yan lang naman ang goal ko sa game na to." at tumayo na si Max at pumasok na sa loob.

Sa simula pa lang ng magsuggest ng game si Maximo eh alam ko ng may plano siya. At ako ang magiging biktima niya. Tsk!

Just a dare. Just a dare. Nothing more, nothing less. Yan lang ang paulit ulit na sinasabi ko sa utak ko hanggang sa nakatulog ako. Just a dare.

Thursday....

"Hi." bungad sakin ni Patt paglabas ko pa lang ng pinto ng bahay ng papasok na akong school.

"Hi." pagngiti ko sa kanya. "Nakaalis na sina Raffa, 8 class nila."

"Di naman sila pinunta ko rito, ikaw. Susunduin kita."

"Ako?"

"Oo ikaw. Diba we're already dating?"

"Ah~~~ the dare dating ba? Di naman masyado halata na gusto mo yung dare no?"

"I don't break my rules Ace. And breaking dares is not an exception. Besides it's just a dare date."

Yeah. Just a dare Abigail. Just a dare.

"Okay. Cool lang dude~" natatawa kong sagot. Napakadefensive much?

"Let's go?" pinakbuksan niya ako ng pinto sa front seat.

"Gentledog ka pala~" then he glared at me. "Gentleman ang sabi ko diba?" at pumasok na ako agad ng kotse. Baka mapasama pa ako nito dahil sa mga joke ko sa kanya. :D

Hayhay~ Ano ba tong napasukan ko lord?

"So tayo na ba?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya papuntang school.

"Di ko alam na ganyan ka pala manligaw? Pero osige na nga...sinasagot na kita Ace." natatawa niyang sagot.

"Ha-ha-ha. Whatever." then pinalakas ko na lang yung music sa kotse. Mas masaya tong pakinggan kesa sa lalakeng to.

So kami na nga? Kami na ba? Dare date lang naman diba? So it means hindi kami. Right! Hindi kami. Period.

"Tayo na nga. Wag ka ng mag-isip isip pa jan. Tayo na."

"Wala naman akong iniisip ha?" sagot ko sa kanya agad.

"Wala daw. Ang lakas mo kaya mag-isip? Basta tayo na, wala ng bawian yon. Period."

"Oo na po. Tayo na." then I just enjoyed the whole ride to school peacefully.

Kami na nga. Period.

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon