Chapter 39- The Visitors

103 6 5
                                    

To my ever supportive reader and true watty friend coldvirus, salamat talaga Cha. :)))))
-------

"Abby. Gising na kanina pa tapos ang detention." paggising samin ni ate Summer. Naalipungatan ako agad. I smiled at her agad in response kasi I'm not fully awake yet.

"Patt gising na." pagsiko ko sa kanya.

"Mmmm...." Tiningnan ko yung relo ko and it's already 8 PM?!

"Babe." awkward paring sabihin. Tapos dumilat agad siya pagkasabi ko non. Tss.

"Good morning." pagngiti niya ng sobrang lapad sabay yakap.

"Good evening na po." sabi ko sa kanya. Patay na naman ako nito kina kuya.

"Talaga?" sabay tingin niya sa windows.

"Yup. Uwi na tayo dahil baka mag-alala na sina kuya." sabay tayo ko at lapit kay ate Summer na nag-aayos narin ng gamit.

"Ate Summer sorry nahuli ka ng uwi dahil samin. Sana ginising mo na lang kami kanina, naabala ka pa tuloy namin."

"It's okay Abby. Ang saya niyo lang kasi tingnan kanina habang natutulog kayong dalawa. I'm happy na nakapag-desisyon ka na."

"Nakakahiya naman pero salamat. By the way ate Summer si Patt, boyfriend ko." pagpapakilala ko kay Patt.

"I'm happy for you Abby." yakap niya agad sakin. "Pero alam na ba ni Baste yan?" sabi niya kay Patt. Baste ang tawag niya kay kuya Seb.

"Sasabihin pa lang ate." sagot ni Patt.

"Ay nakiki-ate rin?" natatawa niyang sabi kay Patt.

"Di pwede?"

"We're just same age Zamora kagaya rin ni Ace." natatawa niyang sabi.

"Eh ba't tawag mo sa kanya ate?" tanong agad sakin ni Patt

"Kuya ko si Seb at girlfriend niya dati si Summer kaya ate ko na rin siya." pagpapaliwanag ko.

"Ah so ako di pwede?"

"Bakit tawag mo rin ba kay Seb ay kuya ha? Ba't mo siya tatawaging ate?"

"Nagtatanong lang naman eh. Ba't ka high blood agad?"

"Ang saya niyo talagang tingnan. Tsaka ikaw Abby ha? Wag ka na tambay rito sa detention total tapos na ang mga iwas moment mo kay PJ."

"Sabi ko na nga." bulong sakin ni Patt

"Oo na. Inaamin ko na." Nahihiya kong sabi. "Ate Summer uuwi na kami ha? Gusto mo ba makisabay? Ihahatid ka na namin."

"No it's okay. May kasabay na ako pag-uwi." she winked at me.

I winked at her in return. "Si cute guy?"

"Sinong cute guy?" pagmama-angan niya.

"Oh come on! si detention buddy ko, si Mr.Troublemaker ng buhay mo. Ayieee!"

"Kinda? We're just going somewhere." Nahihiya niyang sabi.

"Date ba yang somewhere na yan?"

*kring!kring! Si kuya tumatawag na! I'm so dead!

"I'm so sorry kuya. Pauwi na ako." tapos inend ko agad yung call para di na makapagsermon. Sa bahay ko na lang pakikinggan.

"I'm so sorry ate but we really have to go now. You know naman si kuya. Goodluck sa date mo ate." then hinatak ko agad ang kamay ni Patt.

"Sinong detention buddy yon ha?" Biglang singit ni Patt ng pinagdadrive niya ako pauwi.

"Just some guy." I know where this is going. Pffft!

"Some guy?!" he glared at me.

"Eyes on the road Patt."

"Okay sorry. Just tell me who's that detention cute buddy of yours?" he means business. Serious mode kasi sobra.

"Okay. Diba nga palagi akong nasa detention this past few days?"

"Yeah. Then?"

*SkyAlert!SkyAlert!*

"Yup?" pag-answer ko ng tawag ni Sky agad.

"Asan ka na?"

"Bakit?"

"Basta umuwi ka na lang agad bestie."

"We're on our way."

"May kasama ka?"

"Yup. Si Patt."

"Okay na kayo?"

"Yup. Basta pagdating ko na lang sasabihin yung nangyari."

Then I ended the call.

"Si Sky?"

"Yup. Hinihintay daw nila tayo."

"Bakit daw?"

"Basta magmadali na lang daw tayo umuwi."

"Okay. Going back sino ang guy na yon ha?"

"Kilala mo ba si Toby Valdez?"

"Si Toby? Siya ang detention buddy mo? Loko yon ha!"

"Kalma jealous boyfie. Ikaw ang boyfriend ko...siya? Ang gusto niya si ate Summer."

"Talaga lang ha?"

"Yup. We're just buddies that's all. Tsaka diba ikaw na ang mahal ko?"

"Di parin nga ako makapaniwala na tayo na talaga eh." he smiled so happily. Dumating na pala kami sa bahay.

"Sasabihin mo na ba ngayon?"

"Yup." sabay pasok ko ng pinto.

"Abigail finally you're home." O.O

"Dad?"

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon