Chapter 23- Chichay~

142 8 0
                                    

"Bakit ba tayo nasa bahay ampunan? Wag mung sabihing....ampun ka?"

"Oo ampun ako. Iniwan ako ng nanay ko rito dahil naging kabayo raw yung tatay ko."

"Wag mo nga ako pagtripan jan. So? Bakit nga tayo andito kung hindi ka ampon?"

"Osige na ikaw na ang hindi tanga. Gusto ko lang naman kasi dalawin ang mga bata rito... ang tagal ko na rin kasing nawala at di nakadalaw rito. Kelangan kung bumawi sa tatlong taong yon no!"

"Pero sayang...Akala ko pa naman ipagluluto mo ako kaya ka namili ng groceries kanina."

"Wag ka nga mang-asar! Ni itlog recipe nga di ako marunong...ipagluto pa kaya kita?"

"Ate Abby!" biglang sigaw ng mga bata habang tumatakbo papalapit sa amin.

"Hey guys! Musta na kayo?" pagyakap ko sa kanilang lahat.

"Mabuti po!!"

"Namiss ko kayo mga bata. May dala ako para sa inyo oh."

"Salamat ate Abby! Ba't ngayon ka lang bumalik uli? Namiss ka namin talaga ate. " biglang yakap sakin ni Chichay. Siya yung batang inalagaan namin nina kuya simula baby pa lang, she's 6 now.

"Pumunta kasi ako sa malayo. Pero ngayon nakabalik na ako." pagngiti ko sa kanila habang yakap yakap ko si Chichay.

"Ehmm.*fake cough*" Si Patt pala! (Head slap) may kasama pala ako!

"Mga bata may kasama pala ako...Siya si kuya Patt niyo." pagpapakila ko sa kanya.

"Boyfriend ka ba niya?" bilang singit ni Joaquin, siya yung batang inalagaan namin ni Kai.

"Hindi." sagot ko agad. *dugdug* bigla na lang akong pinagpawisan sa tanong ng batang to.

"Oo." sagot naman ni Patt. Agad ko siyang pinandilatan.

"Ano po ba talaga?" tapos nagcross arms sina Joaquin at Chichay.

"Hindi." Sagot ko. Ayaw ko magsinungaling sa mga batang to. Dare is just a dare. Patt glared at me.

*dugdug* Shut up heart don't try to do this to me again. Am not ready for this again.

"Good. Asan po si kuya Kaikai? Ba't hindi siya yung kasama niyo?" tanong sakin ni Joaquin.

"Ah...si kuya Kaikai nasa school may klase siya. Pero dadalaw din yon don't worry."

"Galing po siya rito kahapon iyak ng iyak. Nag-away po ba kayo ate? Magbati na kayo ha?" umiiyak? Bakit naman?

"Don't worry kids he will be okay. Tara laro tayo?"

Naglaro kami ng naglaro ng mga bata. Pero ayaw nila kalaro si Patt at di nila pinapansin, paano ba naman kasi ayaw niyang ngumiti sa kanila. Tapos ayaw pa daw niya sa mga laro namin dahil corny. KJ talaga. Ginawa niya ay panoorin lang kami at nakikitawa kapag nadadapa ako.

"Napagod ka?" tanong niya sakin habang papunta kami ng garden nina Chichay.

"Oo Pero okay lang di ko naman ramdam sa saya." Yung mga ibang bata ay nagtanghalian na kaso gusto pa sumama samin muna ni Chichay para magpaalam.

"Kuya Patt pabuhat!" then Chichay opened her arms wide open para magpabuhat sa kanya.

I glared at him para buhatin niya. Nakasimangot na naman kasi. Pag may iba kaming kasama, lumalabas ang pagka-ice prince nitong mokong na to.

"Kuya Patt ang gwapo mo naman. " Sabi ni Chichay habang nakayakap sa kanya habang buhat buhat siya ni Patt.

"Salamat." he said stiffly.

"Pero bakit po ba ayaw niyong ngumiti? Bagay po sana kayo ni ate Abby kaso ayaw niyo kasi magsmile."

"Talaga bagay kami Chichay?" Hindi ko alam pero parang ngumiti siya bigla habang sinasabi niya yon.

"Oo naman po kaso nakakatakot kayo kuya pag hindi po kayo nakangiti." Sabi niya habang papaupo kami bench sa garden.

"Oo nga Chichay diba? Nakakatakot talaga siya pag nakasimangot no?" pag-appear ko kay Chichay habang nakakandong sa lap ni Patt.

"Magsmile po kayo kuya Patt. Mas gumagwapo kayo pag ganon." then she stretched his lips to a smiling curve.

"I'll try to smile always." he smiled at Chichay sincerely.

*dugdug* I said shut up heart please. I can't. Not again.

"Ganyan ang gwapo mo kuya." pagyakap sa kanya ni Chichay.

"Chichay ayaw man namin eh kelangan na namin umalis. Pero wag ka mag-alala dadalaw kami uli."

"Basta babalik kayo uli ha?"

"Oo naman. Magpapakabait ka ha?" then I hugged her tightly.

"Sige mag-usap muna kayo at kukunin ko lang yung kotse." at tumayo na si Patt after hugging Chichay.

"Ate sabi po ni kuya Kaikai kahapon ay pinaiyak ka daw niya kaya ka umalis."

"Okay na yon... nakabalik na ako ngayon at masaya na ako Chichay." pagngiti ko sa kanya.

"Sana magbati na kayo ate. Ayoko pong magkaka-away ang mga mahal ko."

"Magiging okay din kami Chichay... Pero maiba nga? Kelan ka pa natuto sa mga bagay bagay na yan ha?"

Tinawanan lang ako?! Pinabilis nga ng mga bagay bagay niya na yan ang puso ko eh.

*beep beep* pagparada ni Patt sa tapat ng gate.

"Mauna na kami Chichay ha? I'll be back soon. Pasok ka na~"

"Sige po ate Abby~~" pagkaway niya sakin habang papunta ako ng kotse. "Ba-bye kuya Patt!~~"

Habang nasa kotse...

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Patt habang nagdadrive.

Ngumiti lang ako sa kanya ng sobrang lapad.

"Nag-enjoy ka nga. Pero ma-iba nga...paano niyo nakilala ang mga taga ampunan nina...hmm... Kai?"

Kai. Kai. Kai. Tsk! Tsk!

"Dahil kay Chichay. Nakita namin siya sa labas ng bahay six years ago nina kuya.. kaso di namin siya pwede amponin kasi mga bata pa lang din kami non, so doon namin siya dinala sa Tampipi house for Kids in need."

"Hindi niyo ba alam kung sino yung totoo niyang magulang?"

"Hindi eh. Sinubukan naming hanapin kaso hindi namin alam saan magsisimula. Ginawa na lang namin ay alagaan siya simula non. Kaya naging close na rin kami sa mga taga ampunan."

Then he just smiled at me and drived for our lunch.

*dugdug* Stop heart!

Biyotchii ♡♥

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon